Monday , December 23 2024

Yeng, international singer na, ambassadress pa ng Academy of Rock School of Music Singapore

ANG tindi ni Yeng Constantino dahil nakadalawang major concert siya sa loob ng isang taon, bukod pa sa mga out of the countries niyang show.

Nauna na ang sold-out concert nila ni Bamboo na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Agosto 17 na may titulong BY Request kesehodang malakas pa ang ulan ng mga panahong iyon.

At ang pangalawa ay mangyayari sa Nobyembre 30 na may titulong Plugged-in:  Yeng Constantino Birthday Concert, 7:00 p.m. sa Samsung Hall, SM Aura Global City, Taguig na produced ng Cornerstone Concerts at Academy of Rock Singapore with major sponsors Crossover Events at Leonard Paris mula sa direction ni Ria Villena Osorio with special guestsSesa (Yeng’s side band) at Rico Blanco.

Si Yeng ang kauna-unahang magso-show sa Samsung Hall kaya’t excited ang dalaga dahil matapos niyang punuin noon ang Aliw Theater, Music Museum, at Big Dome kamakailan ay heto at panibagong venue naman ang susubukin niyang punuin.

More or less ay nasubaybayan namin ang karera ni Yeng dahil kasama niya kaming bumiyahe sa Cebu noong sumali siya sa unang season ng Pinoy Dream Academy hanggang sa manalo siya ay parati pa rin namin siyang nakakausap dahil dalawang beses sa isang buwan ay pinapa-interview siya ng publicist ng PDA noon na si Duds Santiago.

Sumikat ang kantang Salamat ni Yeng at ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa Amerika at ibang bansa para sa series of shows kasama ang ibang produkto rin ng PDA hanggang sa isa-isa na silang nawala sa limelight at sina Ronnie Liang at Yeng na lang ang aktibo sa music industry.

Napasama si Yeng sa ASAP pero naging one of those lang noon dahil hindi nagustuhan ang hitsura niya na diretsahan naming sasabihin, baduy siyang manumit tapos nasama pa sa grupong YRS(Yeng, Rachel Ann Go, at Sarah Geronimo) na ginawa silang trio na pare-pareho ang suot at pataasan ng boses. Sa madaling salita ay nawala sa linya niya ang dalaga na nakilala bilang pop rock singer.

Sabi nga ng manager niya ngayong si Erickson Raymundo na, ”nawala ‘yung angas niya, kasi roon siya nakilala, so medyo lumamlam siya kaya sabi ko, ‘Yeng sinasayang mo ang market mo.”

At ng mga panahong iyon ay lumamlam ang career ni Yeng hanggang sa bihira na siyang marinig at puro guestings na lang siya at huling nabalitaan namin ay nagpaalam na siya sa Star Magic at lumipat na sa Cornerstone na pag-aari ni Erickson.

Sa loob ng isang taon ay malaki na ang nagawa ni Erickson kay Yeng dahil naging sosyal na siya at kulay pula na ang buhok tulad ni KC Concepcion na later on ay ipinabago na ang kulay ng buhok niya kaya’t nag-iisa na ngayon ang Pop Rock Princess na nagtataglay ng red hair.

Ka-level na si Kris sa pananamit

Pati pananamit niya ay nag-iba na rin, dahil pawang gawa ng kilalang designer na si Leonard Parisat ka-level niya ang Queen of All Media na si Kris Aquino na ito ang binibili kapag nasa Singapore. Taray ni Yeng, ‘di ba Ateng Maricris?

At hindi lang iyon, lahat ng sapatos din ngayon ni Yeng ay puro Christian Loubuotin na ang pinaka-mababang halaga ay P50,000.

Anyway, bukod sa dalawang major concerts ngayong taon ay gold record award na angMetamorphosis album na ngayong taon lang din ini-launch at naging Ambassadress siya ng Academy of Rock School of Music Singapore dahil nagustuhan ng may-ari ang awitin niyangSalamat.

At hindi lang ito ang suwerteng dumating kay Yeng dahil pinagawan siya ng may-ari ng ARS ng sarili niyang guitar line na Yeng Guitar Series na selling like hotcakes dito sa Pilipinas dahil affordable lang para sa mga kabataang mahilig tumugtog ng gitara.

Hanggang sa tuwing may bubuksang eskuwelahan ang ARS ay dinadaluhan ni Yeng tulad ngayong araw, patungo siya ng Taiwan at kamakailan din lang ay naimbitahan siya sa ginanap na Silvermine Bay Music Festival sa Lantau Island, Hongkong.

Kaliwa’t kanan din ang mga award/citations ni Yeng nitong taon para sa Metamorphosis album niya at nanalo pa sa MYX.

Kaya naman abot-abot ang pasalamat ni Yeng kay Erickson dahil muling sumigla ang singing career niya at marami pang bonus.

Birthday concert para sa fans

At nang makatsikahan naman namin si Yeng ay gusto talaga niyang magkaroon ng birthday concert na kung hindi kami nagkakamali ay unang beses lang niya itong ginawa dahil para raw ito sa mga taga-suporta niya.

“This is very intimate concert po na gagawin ko together with Cornerstone and Academy of Rock para sa mga taga-suporta ko kasi this is parang tour simula noong bata ako, nagsimula palang ako na sumasali sa mga singing contest kung ano ‘yung mga kinakanta ko noon, ano ‘yung mga song pieces ko at nagbanda na po ako at nanalo sa ‘Pinoy Dream Academy’ at naging Pop Rock Princess po ng Philippines. Grabe po, sobrang grateful po ako talaga sa nangyari sa akin sa pitong taon ko po sa industriya.

“At ito lang naman po ang gusto kong gawin na awitan ko ang mga taga-suporta ko sa birthday ko,” masayang kuwento ni Yeng.

Dahil ambassadress si Yeng ng Academy of Rock ay ano nga ba ang papel niya, ”kailangan ko lang pong gumawa ng songs at ipakita ‘yung skills ng music at ipakita ito sa ibang tao para mahasa rin nila ‘yung skills nila sa music.

“At recently po ay nag-release kami ng bagong single (‘Better Than Yesterday’) sa Singapore, ginawa ko with the Singaporean artist na si Shseik Haikel na katulong ko sa Academy of Rock sa pag-release ng single at sana po ay magtuloy-tuloy at babalik ako ng Singapore next week (Miyerkoles) para i-promote ang single at lilibutin namin ang mga radio station doon,”nakangiting sabi ni Yeng.

Napakinggan namin ang nasabing kanta at hindi namin nakilala si Yeng dahil tunog foreign na kapag nag-dueto sila ni Sheik.

“Very pop na may kahalong rock (kanta) at soon po ay maririnig n’yo na rin sa radio stations dito, pero tunog foreign nga po, at isa ‘yun sa ipinagpapasalamat ko kasi nasubok ako ng ibang klaseng tunog,” say pa ng dalaga.

At dahil mapapadalas ang pagdalaw ni Yeng sa Singapore ay inamin niyang nag-aaral siya ngayon ng Mandarin.

Going international na ang karera ni Yeng dahil nalilibot na niya ang Asya kaya natanong ang dalaga kung may magandang offer sa kanya abroad ay iiwan ba niya ang Pilipinas?

“Sa akin po, mahirap iwanan po ang OPM (Original Pilipino Music), alam naman po na grabe ang heart ko para sa Filipino music. Kaya ko pong pagsabayin ‘yan, creating OPM sobra pong joy sa akin iyon at I don’t think kailangan kong itigil, solid OPM po ako,” katwiran ng Pop Rock Princess.

May oras lagi sa BF kahit busy

Sobrang busy ni Yeng kaya natanong kung may oras pa siya sa lovelife niya?

“Opo, hindi po kami nawawalan ng time ng boyfriend ko, ganoon po talaga pag mahal mo ‘yung tao, hindi puwedeng busy. Hangga’t kaya pong i-push sige lang, minsan po humahabol kami ng last full show after work,” natawang kuwento ng dalaga.

Kayat’ tinanong namin kung hindi pa nagyayang magpakasal si boyfriend?

“Hindi naman po kami nagmamadali ang boyfriend ko at natutuwa po ako sa kanya,”napangiting sagot ni Yeng.

Dinugtungan namin ng tanong kung pinagbawalan pang mag-asawa si Yeng ng manager niya,”ipinagbabawal, (sandaling natahimik ang dalaga), siguro po, sama-sama lang din po, ang hirap sagutin, ate (sabay ngiwi sa amin).

“Ano po, sa lahat ng nangyari sa career ko, hindi naman po ito tsamba lang at mahirap ma-miss out ito, ang pinakagusto ko po sa boyfriend ko ay naiintindihan niya iyon, at ‘yung thought na maghihintay siya ay iyon ang nakaka-touch sa akin, sabi ko nga grabe naman ‘tong lalaking ‘to,” kuwento ni Yeng.

Ang boyfriend na binabanggit ng dalaga ay masasabing, ‘he’s the one?’

“Sa akin oo, he’s the one for me,” mabilis na sagot ng dalaga.

Kaya sa mga nagpaplanong manligaw kay Yeng, eh, mukhang sarado na ang puso niya dahil may nagma-may-ari na.

So, paano madlang supporters, kitakits tayo sa Nobyembre 30, Sabado sa Samsung Hall, SM Aura Global City, Taguig at para sa tickets ay maaring tumawag sa 470-2222.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *