Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, naka-10 halik na kay Maya (UK Ambassador, gustong dumalo sa kasal)

NAKATUTUWA naman ang preparations para sa inaabangang kasal nina Ser Chief at Maya ng Be Careful with my Heart!

Nakatutok na ang sambayanan sa gaganaping kasalan sa November 15, 2013 na will be taped as live nga raw, ayon na rin sa business unit manager nito na si Ginny Monteagudo.

Humarap sa press ang mga “ikakasal” na sina Jodi Santamaria at Richard Yap sa G Hotel sa Roxas Boulevard. Na akala mo nga, totohanang may ikakasal dahil ang preparations na ang pinag-uusapan.

Si Avel Bacudio raw ang gagawa ng dalawang gowns na gagamitin ni Maya sa reception. Kabilang sa magiging ninong nila eh, ang mga kasama rin nila sa nasabing palabas gaya nina Leo Rialp, Jun Urbano, Bodjie Pascua, at (direk) Nick Lizaso. Ang mga ninang naman ay sina Pinky Amador, Carmela Pacheco, Loli Mara, at Victoria Reyes.

Maid of honor siyempre ang anak ni Ser Chief na si Nikki (Janella Salvador) at best man si Luke (Jerome Ponce).

Si Maricar Reyes ang bridesmaid with Tart Carlos (Doris) and Nathan Lopez (Emman) as candle sponsors at sina Viveika Rabena (Sabel) at Micah Munoz (Joma) naman ang veil sponsors.

Flower girl si Abby (Mutya Orquia) at coin and ring bearer si JM Ibanez (Cho). At malamang na si Kute o Kristina Rose (Aiza Seguerra) ang kumanta sa kanilang kasal.

Yellow and blue ang motif ng kasal.

Tinanong nga ang couple sa reaksiyon sa kanila ng mga tao, lalo na ang mga kasambahay at mga amo na tutok na tutok sa nasabing palabas na nangangarap din na sana balang araw, dumating din sa kanila ang parehong kapalaran ni Maya kay Ser Chief.

“Ang pagiging yaya naman ni Maya eh, aksidente. Kasi nga, she wanted to go to Dubai to work. Pero naloko siya ng recruiter niya. Sa huli, iisipin mo ‘yun ang nakatakda na mangyari sa kanya. Kaya, ang masasabi ko, maganda na mas tingnan natin ang mga eksenang nangyari sa naging kasambahay na si Maya sa kanyang among si Ser Chief as inspirational. Doon tayo sa positivity. Ang maganda sa karakter ni Maya eh, ‘yung pagbibigay pag-asa in a positive way.”

Kung hindi ba naman panalo ang Be Careful with my Heart, pati na ang Ambassador to the UK (Asif Ahmad) eh, nakatutok din dito para matutuhan niya ang wikang Tagalog. At nagpasabi na nga na gusto ring masaksihan ang pag-iisandibdib nina Maya at Ser Chief.

Frustrated nga raw sila na hindi pa ito magagawang pelikula dahil na rin sa hirap na mapagsama-sama ang schedule ng lahat. Pero umaasa sila na there will come a time na magsasama pa rin sila sa isang proyekto na gaya ng pelikula.

Honeymoon sa Japan

Sa tsikahan with the couple, tinanong ko sila kung ano naman ang mami-miss nila sa isa’t isa pagkatapos ng kanilang kasal at honeymoon (na nais ni Maya na mangyari sa Japan kung saan may snow).

Say ni Ser Chief, “Ang kakulitan niya on and off camera.”

At si Maya, “‘Yung pagiging joker ni Ser Chief.”

Ser Chief, naka-10 halik na kay Maya

May trivia nga si Jodi nang tanungin ito kung naka-ilang halik na raw ba si Ser Chief mula nang maging sila.

“Sampu na! Kino-compile ng fans. Nababantayan nila lahat, eh.”

Kung kilala niyo na ang karakter ni Jodi bilang Maya, sa tatlong gowns na pinagpipilian niya, kita niyo na kung alin sa mga disenyong ‘yun ang gagamitin niya.

Kaya, tumutok na sa Fairytale Wedding of the Year na gusto ring sabihin ng iba as “Pambansang Kasalan ng Pilipinas”. Maki-trending na sa usapan sa Twitter via #BCWMYthefaiytaleweddingoftheyear.

Illicit affair sa MMK

ANO ang gagawin mo kung matapos ang tatlong dekada, makikita at makakasalubong mo pa ang greatest love of your life samantalang pareho na kayong may kanya-kanyang pamilya?

Ito ang ita-tackle ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabdo, November 9, 2013 na tatampukan nina Snooky Serna, Lito Pimentel, Marlann Flores, Dominique Roque, Ganiel Krishnan, Dawn Jimenez, Sofia Andres, Deborah Sun, Archie Adamos, John Medina, at Aldred Gatchalian mula sa direksiyon ni Nuel Naval, saliksik ni Akeem del Rosario at script nina Arah Jell badayos at Joan Habana.

It’s an illicit love affair. Makatarungan ba na gawin nilang dahilan ang unang naging tibok ng puso nila?

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …