Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Role ni Isabel sa Got To Believe, bagay na bagay

KASAMA si Isabel Granada sa top-rating series ng ABS-CBN 2 na Got To Believe na pinagbibidahan ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gumaganap siya rito bilang si Tessa Zaragosa, ang nanay ng baguhang young actor na si Jon Lucas.

“I’m happy po sa role ko rito, with my Spanish accent, bagay na bagay. Kasi, Spanish speaking kami ni Mama ko. Kaya bagay talaga po sa character ko,” sabi ni Isabel.

Natutuwa rin si Isa na muli siyang binigyan ng serye ng Kapamilya Network. Ang huling serye na ginawa niya rito ay ‘yung Sa Puso Ko Iingatan Ka noong 2002 na bida rito sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.

“Bale comeback show ko po ito sa ABS-CBN at maganda ang entrance, awesome role.”

Ang ilan pa sa cast ng Got To Believe ay sina Carmina Villaroel, Ian Veneracion, Jojo Alejar, at Manilyn Reynes na gaya ni Isa ay mga produkto rin ng sikat na sikat noon na youth-oriented show na That’s Entertainment. Kaya masasabi ni Isa na parang may reunion ang mga taga-That’s Entertainment sa serye nila.

Nagbiro pa nga siya na ang producer nila at host na si German Moreno na lang ang parang kulang sa kanilang serye.

Sa ngayon ay nasa Singapore si Isa. May concert siya sa roon sa Platinum Music World Disco Bar, Lucky Plaza. Ang title nito ay Isabel Granada… Live In Singapore!

Kristoffer, tikom ang bibig sa break-up nila ni Joyce

NANG kunin ang reaksiyon ni Kristoffer Martin sa isyung hiwalay na sila ni Joyce Ching ay ayaw niyang magbigay ng pahayag tungkol dito. Kung may problema man daw sa relasyon nila ngayon ay sa kanila na lang daw ‘yun.

Nakiusap siya na huwag na lang itong pag-usapan.

Sa naging pahayag na ito ni Kristoffer, mukhang may bahid katotohanan na hiwalay na nga sila ni Joyce. Kasi kung sila pa rin, madali lang namang sabihin na okey sila, na hindi totoong break na sila. Kaso, hindi niya ‘yun masabi at ayaw niyang mag-comment sa sinasabing hiwalayan nila ni Joyce, so, posibleng hiwalay na nga sila, ‘di ba?

Siguro kaya ayaw din itong aminin ni Kristoffer para hindi na ito mapag-usapan pa, na paulit-ulit siya o si Joyce na tatanungin tungkol sa dahilan ng kanilang break-up.

Kung totoong break na nga ang dalawa, hindi naman halata sa mukha ni Kristoffer dahil maganda pa rin ang aura niya, gwapo pa rin siya na parang hindi siya nanggaling sa isang hiwalayan.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …