Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca Manalo, boses beki pa rin!

MARAMI ang hanggang ngayo’y tila naiirita sa boses bakla ni Bianca Manalo. Sa ganda at tangkad nito at pagiging beauty queen, marami ang nagtataka kung paanong nagkaroon ito ng ganoong klase ng boses. Pero hindi iyon naging hadlang para maging beauty queen si Bianca at maging matagumpay bilang artista.

Aktibo ngayon si Bianca sa TV5, at kasama siya ni Martin Escudero sa drama series na Positive. Gumaganap siya bilang HIV counselor ni Martin.

Gaganap si Bianca bilang si Anne. Isang sikat at mayamang yoga instructor na hindi lang maganda, matangkad, at matalino pa. Mula ulo hanggang paa, kinaiinggitan si Anne ng mga kababaihan. Ang hindi nila alam, HIV positive ang ito for 10 years na. In her spare time, nag-vo-volunteer siyang maging peer counselor for people living with HIV and AIDS.

Makikilala siya ni Carlo (Martin Escudero) sa peer counselling sessions nito. Dahil sa mukhang ‘di tiwala si Carlo sa kanya, aaminin niyang siya rin ay HIV positive. Aksidenteng nakuha niya ito sa kanyang gay brother (gagampanan ni Bobby Andrews) without knowing na may AIDS na pala ito matapos mag-donate sa kanya ng dugo.

Magiging malapit ang dalawa lalo pa nang ipakilala ni Anne ang kanyang kapatid na nakaratay sa bingit ng kamatayan dahil sa komplikasyon dulot ng AIDS.

Samantala, mula sa mainit na eksena ni Rufa Mae Quinto last week, maraming confrontations ang mangyayari sa susunod na episode ng Positive. Kokomprontahin ni Janis (Helga Krapf), si Carlo dahil sa kanyang panlalamig. Mababanggit niya si Maricris (Rufa Mae) sa kanilang pag-aaway, dahil nga nakita niya ang mga kahina-hilang messages ng dalawa sa Facebook.

Diretsahang kokomprontahin din ni Donald (Ramon Christopher Gutierrez) si Maricris tungkol sa kanyang boy lover. Dahil dito, tutugisin ni Donald si Carlo, galit na galit at gusto itong ipapatay!

Paano makaaapekto sa buhay ni Carlo si Anne? Makukumbinse niya ba si Carlo na aminin na ang kanyang sakit sa pamilya? At anong panganib sa buhay ni Carlo ang dala ni Donald?

Tutukan ang lahat ng ito sa Positive ngayong Huwebes, 9:00 p.m. sa TV5!

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …