NAKASALUBONG namin sa hallway ng ABS-CBN ELJ Building noong Lunes ang isa sa executive producer ng Buzz ng Bayan na si Ms. Nancy Yabut habang umiinom ng hot choco at tinanong namin kung bakit kailangan nilang palitan ang The Buzz gayung okay naman ang ratings at ito ang gusto ng viewers na mahilig sa showbiz tsika.
“Eh, kasi kailangan na rin ng change, Reggee, at saka 14 years na rin naman, so kailangan iba naman ang mapanood ng tao,” mabilis na sagot sa amin ni Nancy.
Aware raw ang production team sa mga hindi magandang feedback sa bagong konsepto ng nasabing programa, “oo, nababasa namin lahat, maski sa social media, alam namin at siyempre, ganoon talaga kasi bago palang naman ang show, so hintayin natin,” sabi sa amin.
At dahil kapareho nga raw ng konsepto ng Face The People ang Buzz ng Bayan ay dapat daw ang titulo ay Face The Buzz?
“Hindi naman ganoon, iba naman ‘yung ‘Face The People’, malayo talaga. Hindi naman nawawala ang showbiz issues sa ‘Buzz ng Bayan’, mayroon pa rin naman.
“Nagdagdag lang kami ng opinyon ng ibang tao kaya may mga live audience kami, like for example, ikaw (kami), nasangkot ka sa isyu, tatanungin ka namin at the same time, pati ang tao, kaya ‘Buzz ng Bayan’. But definitely, may showbiz issues pa rin kasi ‘yun naman talaga ang gusto ng manonood,” pagkaklaro sa amin ni Nancy.
Ikaw ateng Maricris, ano naman ang opinion mo?
Reggee Bonoan