Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Richard at Maya, 3 simbahan ang pinagpipilian!

APAT na araw pa lang kukunan ang kasal nina Sir Chief at Maya para sa seryeng Be Careful With My Heart kasabay na rin ang reception.

Kuwento ng aming source, “sa November 11 -14 ang taping ng kasal at sa November 15 (Biyernes) ang airing, ‘di ba?  Kaya hand to mouth talaga.”

Base sa pagkukuwento sa amin ay tatlong lugar daw ang pinagpipiliang venue ng kasal nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria, sa may Guadalupe Viejo Makati City; Pila, Laguna na kasalukuyang nagte-taping ang BCWMH, at sa isang magandang lugar sa Batangas.

“Inisip ng production kung sa Guadalupe, baka mahirap kontrolin ang tao kasi busy streets ‘yun at masikip. Inisip din sa Pila, Laguna, ‘yung pinagte-tapingan para hindi na lumayo pa, kaso gusto ng management, ibang lugar. So, baka Batangas, as of now wala pang final decision,” sabi pa sa amin.

Ayon naman sa mga dumalo sa nakaraang presscon nina Sir Chief at Maya noong Lunes ay, “hindi raw puwedeng sabihin kung saan ang venue ng kasal for security reasons, two (2) or three (3) days before the airing, puwede na raw sabihin.”

Tinanong namin kung hanggang kailan ang airing ng BCWMH, “ang gusto ng production, hanggang Abril (2014) na lang, eh, gusto ng management, huwag daw muna tapusin, eh, siyempre, management ang masusunod, ‘di ba?”

Ano ba ang totoo, ateng Maricris, Abril o forever na? (Dedepende raw iyan sa pagtanggap ng publiko. Kasi marami na raw beses na gusto nilang tapusin ito pero dahil sa clamor ng televiewers na gustong panoorin pa kaya humaba na ng humaba—ED)
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …