Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, never pinagsisihan ang paglipat sa Dos

MATAGAL na rin mula ng huling gumawa ng teleserye si Iza Calzado na siya ang bida. Pagkatapos ng seryeng Kapag Puso’y Masugatan, na last year pa natapos ay hindi na ito nasundan.

Maikli lang naman ang naging exposure niya sa Muling Buksan Ang Puso, na pinagbidahan nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee.

Tanong tuloy ng fans niya at ng iba ay kung tama raw ba ang naging desisyon niya na lumipat sa Kapamilya Network.

Kinalma naman ni Iza ang kanyang fans sa pagsasabing wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon and in fact, wala raw siyang masasabi sa pag-aalaga sa kanya ng Dos.

Kabilang siya sa seryeng pagsasamahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, ang You’re My Home, at malapit na ring ipalabas ang The Biggest Loser, Pinoy Edition, na siya ang host kasama pa sina Robi Domingo at Matteo Guidecelli.

Hiwalayang Gian at Sheree, pinaNg-hihinayangan din

MARAMI na ngang showbiz couples ang naghihiwalay pero ang hindi masyadong napag-usapan ay ang hiwalayan ng dating Viva Hotbabe na si Sheree at ng singer na si Gian Magdangal.

Parehong tumatanggi na may third party involved sa break up nila. Marami rin ang nanghinayang dahil inakala ng lahat na matapos magkaanak ang dalawa ay sa kasalan na rin ang tuloy.

Ang tsika sa amin ng aming source, may kinalaman pa rin daw sa isyu ng kasal ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Sa tagal na raw kasi ng pagsasama nila ni minsan ay hindi raw inalok ni Gian ng kasal si Sheree. Bilang babae siyempre ito naman ang pangarap ng lahat.

Mildred A. Bacud

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …