GLOBE has 1001 ways of skinning their subscribers.
Akala natin ay nahinto na ang RAKET ng GLOBE Telecom tungkol sa kanilang mga promo-promo na itsina-CHARGE pala sa load ng subscribers, postpaid man o prepaid.
Hindi pa pala…
Ngayon naman, ang ginagamit ng kumag na GLOBE ay ang 2474.
Kesyo may iaalok na internet games, pero sa totoo lang charged din pala agad ‘yun sa atin.
Kaya ‘matic na mababawasan ang load ng subscribers.
‘E ilang promo ang ipinadadala nila sa milyon-milyong subscribers sa bawat araw?
Ang bawat promo text mula sa 2474 ay nagkakahalaga ng P10. Kaya ibig sabihin, milyon-milyones din ang ‘nananakaw’ nilang kwarta mula sa kanilang subscribers.
Hindi ba’t malinaw na pandaraya at pandarambong ‘yan sa sambayanang SUBSCRIBERS?! Lalo na sa mga kababayan natin na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay at kailangang-kailangan ng load para sa komunikasyon.
Tapos kapag tatawag o magte-text na sila, ‘e wala na pala silang LOAD dahil sinikwat na ng mapandayang promo ng GLOBE Telecom?!
Ibinabalik naman daw nila … kapag nalaman mo na nadaya ka at nagreklamo ka. E paano ‘yung hindi pa nakaaalam?!
Hindi pa pwedeng bigyan ng leksiyon ng DOTC-NTC sa pamamagitan ng umiiral na ‘BATAS’ ang ‘simple’ at ‘patagong’ pandarambong ng GLOBE Telecom?
‘Yan dapat ang ‘ISALANG’ sa SENADO para busisiin!
Go, Senator Grace Poe!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com