Friday , November 22 2024

Tiananmen car crash probe ipauubaya sa China —DFA

IPAUUBAYA ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Chinese authorities ang imbestigasyon kaugnay sa madugong “car crash” sa makasaysayang Tiananmen Square sa Beijing na ikinamatay ng lima katao, kabilang ang Filipina doctor.

Kaugnay nito, tumanggi si DFA spokesperson Raul Hernandez na magkomento hinggil sa report na “terror attack” ang nangyari.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling ang insinuation, parang malicous at dubious masyado ang insinuation. Ang namatay ay lima, isa lamang ang Filipino roon at ang nasugatan, 38 mula sa iba’t ibang nationalities. Hindi ko alam kung saan galing ang report na iyan. Hintayin na lang natin ang resulta ng imbestigasyon ng Chinese authorities,” ayon sa opisyal.

Una rito, naniniwala ang mga awtoridad sa China na suicide attackers ang nag-drive ng sasakyan na sumalpok sa Tiananmen Square.

Ayon sa source, hindi aksidente lang ang nangyari na sinalpok ng jeep ang mga barikada at ang tatlong sakay ng jeep ay walang balak na lumabas ng sasakyan matapos bumangga sa square.

“It looks like a premeditated suicide attack,” ayon sa source na may direktang alam sa imbestigas-yon.

Hindi pa matukoy ang sakay ng jeep bagama’t sinabi ng Chinese police na may dalawang suspek silang iniimbestigahan mula sa Xinjiang na may koneksyon sa insidente.

Posible raw na pang-aatake ang nangyari na may kaugnayan sa nalalapit na pagtitipon ng Central Committee ng ru-ling Communist Party.

Iniuugnay din ang pangyayari sa mga Uig-hur Muslim, isang ethnic minority sa Xinjiang na nag-aaklas laban sa pamahalaan ng China.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *