KINASUHAN ni Sen. Antonio Trillanes IV ng malversation sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay ng inilaan na pondo sa mga bogus na National Sports Associations (NSAs).
Kinompirma ni Trillanes ang kanyang paghahain ng kaso sa kasagsagan ng pagdinig ng Senate sub-finance committee sa pondo ng PSC para sa taon 2014.
Kabilang sa respondents ay sina POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr., ang tiyuhin ni Pangulong Benigno Aquino III, at PSC chairman Richie Garcia at iba pa.
Sa pagdinig, tahasang sinabi ni Trillanes na nagmistulang ‘rubber stamp’ na lamang ni Cojuangco ang PSC na aniya’y dapat nang tuldukan.
Ngunit inilinaw ni Trillanes na mananatili ang kanyang suporta sa lehitimong NSAs.
HATAW News Team