NANGAKO ang bagong tserman ng Philippine Basketball Association board of governors na si Ramon Segismundo na pangungunahan niya ang planong expansion ng liga.
Mula pa noong 2000 ay sampu ang mga koponan ng PBA dahil may ilang mga kompanya ang nawala at nabili ng ibang mga prangkisa tulad ng Globalport na nakuha ang prangkisa ng Coca-Cola habang nakuha ng Meralco ang Sta. Lucia Realty at ang Rain or Shine naman ang bumili sa Shell.
“We are initiating talks with potential team owners to assure them that being in the PBA is a great investment, has great value to any business and is something really that they should seriously consider,” pahayag ni Segismundo sa ginaganap na planning session ng PBA board sa Sydney, Australia.
“We don’t expect it to happen overnight; I know it’s a slow burn. But within the next 12 months, we hope to develop steps to make sure it happens.”
Suportado si Komisyuner Chito Salud sa planong ito ni Segismundo na isang opisyal ng Meralco.
“We’ve had very many inquiries,” ani Salud. “But serious intentions, that’s what we’re waiting for. If all these are achieved, hopefully it will lead to what the chairman has been saying – expansion of one to two teams in the very near future.”
Ilang mga bangkong players sa PBA ang umaasa na matutuloy ang expansion ng PBA para magkaroon sila ng trabaho.
“Syempre pag ganitong panahon, kinakabahan ako. Kasi tulad ko one year, one year lang ang contract ko,” ayon kay Jerwin Gaco ng San Mig Coffee.
“Nakikiramdam na lang tayo. Syempre, sinasamahan ko ng matinding panalangin. Yun naman ang susi sa lahat eh,” sambit ni Chito Jaime ng Rain or Shine. “Basta kami ng misis ko, mapag-aral lang namin ‘yung anak namin okay na sa amin ‘yun.”
(James Ty III)