Friday , November 22 2024

P10-M naabo sa Robinson’s Galleria

NASA P10-milyon ari-arian ang naabo sa halos anim na oras na sunog sa 3rd floor  sa Robinsons Galleria, Ortigas Avenue, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, isang empleyado ng mall na si Sammy Guiam, ang unang nakakita ng makapal na usok at nagliyab ang ikatlong palapag na imbakan ng mga laruan.

Hirap ang mga bom-bero na maapula ang malakas na apoy dahil sa sobrang kapal ng usok na ideneklarang 3rd alarm dakong 11:00 ng gabi na kinailangan pang gamitan ng breathing apparatus.

Dakong 2:25 ng mada-ling araw nang itaas sa ika-5 alarma ang sunog na nasa bahagi ng kisame sa pagitan ng  ikatlo at ika-apat na palapag at inirekomenda na ilikas ang mga naka-check in sa kalapit na Holiday Inn hotel dahil nakapasok na ang usok doon.

Ganap  na 5:47 ng umaga nang ideklarang fire out at walang naiulat na nasugatan o namatay. Naniniwala ang mga bombero na sa kisame nagsimula ang apoy.

Dahil dito, ideneklara ng management na  sarado ang mall ngayong araw para bigyan daan ang clean-up operations.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *