Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Indian nat’l na mall owner dinukot; 1 patay, 1 sugatan

KORONADAL CITY – Patay ang isang security escort at isa pa ang sugatan makaraang dukutin ng apat armadong kalalakihan ang Indian national na may-ari ng malaking mall sa Cotabato City.

Ayon kay S/Supt. Rolen Balquin, chief of police ng Cotabato City, dinukot ng mga kalalakihan si Mike Khemani, may-ari ng Sugni Superstore sa nasabing lungsod.

Inihayag naman ni Aniceto Rasalan, ng Cotabato City government, nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang security escorts ni Khemani at ang armadong mga suspek.

Namatay sa insidente ang security escort na si Kaura Abdul habang sugatan ang kasama niyang si Mustapha Abdulrahim.

Ayon sa report, naglilibot sa kanyang department store ang negosyanteng Indian nang sapilitan siyang tangayin ng mga kalalakihan at pilit na isinakay sa isang sasakyan.

Napag-alaman na nagmamay-ari rin ang naturang negosyante ng mga department store sa Kabacan, North Cotabato at sa Kidapawan City, at dalawang beses na ring nakaligtas sa kidnapping noon taon 2007 at 2009.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …