SINIMULAN ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, ang pagdinig hinggil sa hinaing ng mga magsasaka sa Ilocos Norte at Ilocos Sur kaugnay ng malaking importasyon ng bawang na dahilan kung bakit naapektuhan ang lokal na produkasyon at kinikita ng industriya ng bawang.
Sa public hearing na ginawa sa Mariano Marcos State Univereity sa Caunatyan, Batac City, Ilocos Norte, inalam ni Villar ang iba pang mga hinaing ng mga Magsasaka upang matukoy ang akwal na ginagawa at polisiya sa importasyon ng bawang na laganap sa lokal na pamilihan.
Nais din ng mambabatas na malaman ang suliranin at ugat sa bumabagsak na industriya ng bawang sa naturang lugar at upang makahanap ng posibleng kalutasan upang matugunan ang nasabing problema.
Base sa National Garlic Team (NGAT), ang kasalukuyang presyo ng lokal Garlic ay P60 hanggang P80 kada kilo habang ang imported na bawang ay nagkakahalaga ng P50 anggang P60 kada kilo.
Si Villar ay nagdaos ng public hearing sa Ilocos Sur at Ilocos Norte kasama sina Senador Bongbong Marcos, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, at Agriculture Secretary Proseso Alcala.
Batay ito sa Senate Resolution No. 238 ni Villar at Senate Resolution No. 262 ni Senadora Miriam Defensor Santiago.
(CYNTHIA MARTIN)