NAG-CRASHLAND ang Cessna 152 aircraft s Sta. Fe Lahar Trail sa Central Luzon kahapon, ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines.
Sinabi ni CAAP deputy director general Rodante Joya, sa inisyal na ulat, ang
152 plane (RPC-8832) ay bumagsak sa lahar trail dakong 8:25 a.m. kahapon.
“The aircraft depart(ed) at 7:52 a.m. for Baguio,” aniya.
“Based on initial information, nagkaroon ng crash landing,” ayon naman kay Eric Apolonio, CAAP’s public information office head.
sa hiwalay na pahayag, sinabi ng CAAP, dakong 7:25 a.m. kahapon, “pilot in command Capt. Eliseo de Luna with First Officer Christopher Logro on board reported to Subic tower that the aircraft is encountering low oil pressure and declared at 8:21 am that he will make a forced landing over lahar trail.”
Sinabi ni Joya, pagkaraan ay nakita ang eroplano na “intact” sa Sta. Fe Lahar Trail sa Pampanga, at buhay ang dalawang sakay nito.
Sinabi ni Apolonio, ang pilotong si Captain Eliseo de Luna, at co-pilot na Christopher Logro, ay kapwa ligtas sa insidente.