Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

9 preso pumuga sa CamSur jail

NAGA CITY – Patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa siyam bilanggo na tumakas mula sa Tinangis Penal Farm sa Pili, Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng Pili MPS, dakong 2:30 a.m. kahapon nang iulat ni Susan Bergantin, staff ng penal farm, ang insidente.

Ayon kay Bergantin, dakong 12:30 a.m. kahapon habang nagsasagawa siya ng roving inspection kasama si jail guard Juanito Gaston y Monton, nang magsumbong ang inmate na si Isidro Rico kaugnay sa naganap na jailbreak.

Ayon sa impormasyon, nilagare ng mga preso ang rehas na bintana sa bahagi ng comfort room.

Kinilala ang mga tumakas na sina Rolly Cabaltera, Roland Negrido, Juan Olidario, Gilford Embele, Muriel San Jouaquin, Richard Pele, Edwin Gapos, Eugene Brutas at Cea Kalim.

Ang siyam ay nahaharap sa iba’t ibang kaso tulad ng murder, drugs at carnapping.

Itinakda naman ang pagsasagawa ng bio profile sa iba pang mga bilanggo ng nasabing penal colony. (JETHRO SINOCRUZ/BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …