Sunday , December 22 2024

Waging kapitan, 2 utol minasaker ng talunang kapatid

ROXAS CITY – Pawang patay ang magkakapatid kabilang ang bagong halal na kapaitan ng barangay matapos pagbabarilin ng kanilang sariling kapatid sa Brgy. Manapao, Pontevedra, Capiz.

Agad binawian ng buhay sa tama ng mga bala sa ulo si Punong Barangay-elect Ramon Arcenas, gayondin ang mga kapatid na babae na sina Jennifer Arcenas-Nuyles at Evelyn Arcenas-Espinar.

Ayon kay Mrs. Josephine Arcenas, misis ng nanalong kapitan, sumugod sa kanilang bahay ang suspek na si Manuel Arcenas at binaril sa ulo ang kanyang mister.

Sunod na binaril ng suspek ang dalawa pang mga kapatid na babae.

Ayon sa ginang, maaaring hindi matanggap ni Manuel ang pagkatalo ng kanyang pamilya sa halalan.

Napag-alaman na natalo bilang kagawad ang suspek, gayondin ang anak na si Isabel Arcenas na kumandidato sa pagka-punong barangay.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.

(HNT)

KAPITAN, 3 KONSEHAL  NA BIHAG NG NPA  LANDSLIDE SA ELEKSYON

BUTUAN CITY – Kahit wala ang kanyang presensiya matapos dukutin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kasama ang tatlo niyang mga konsehal at isang CVO member, tuluyan pa rin naiproklama ng Barangay Board of Election Canvassers (BBOCs) si Sabud, Loreto, Agusan del Sur reelectionist Brgy. Captain Lito Andalique.

Kasama niya ang kanyang pitong kalinyang konsehal sa nakuhang landslide victory sa katatapos na barangay elections.

Ayon kay Mayor Dario Otaza, walang ibang kumandidato laban kay Kapitan Andalique ngunit may siyam na indibidwal na tumakbong konsehal ngunit sa final official result ng canvassing of votes ay nanalo ang kampo ni Otaza kahit na hindi nakapangampanya matapos dukutin nitong Oktubre 23.

Matatandaang bukod kay Kapitan Andalique, kasama sa dinukot ng Guerilla Front 34 ng NPA sa pangunguna ni Datu Tindugan, ay sina Kagawad Reynaldo Piodos, Kagawad Balaba Anda-lique, Kagawad Marbin Bantuasan, CVO member na si Pepe Subla at ang pinalaya nang asawa ni Bantuasan na si Gina.

SUSPENDIDONG PARI NANALONG TSERMAN

CEBU CITY – Tagumpay sa kanyang kandidatura ang suspendidong pari sa Medillen, Cebu, matapos manalo bilang kapitan sa Brgy. Kawit, lungsod ng Medillen sa Cebu.

Nakuha ni Fr. Oscar Banson ang 1,200 boto habang ang kanyang katunggali na si incumbent Brgy. Captain Charito Areglado ay mayroong 1,121 boto.

Una nang sinuspinde bilang Parish Priest si Banson, 55, dahil sa kanyang pagkandidato.

Pinagbawalan na siya ni Cebu Archbishop Jose Palma na magsagawa ng misa at manguna sa sakramento gaya ng kasal, binyag at kompisal.

Bukod sa sa kanyang pagkapanalo bilang kapitan, napag-alaman din na ang naturang pari ay may karelasyon na isang female councilor sa nasabing barangay at party mates pa silang dalawa na tinatawag na “Team Padre.”

AMANOS SA BOTOHAN NAG-TOSS COIN NA LANG

LA UNION – Idinaan sa toss coin ang panalo ng kapitan sa Brgy. Pagdaraoan, San Fernando City, La Union matapos tumabla sa katunggaling kandidato.

Si re-electionist Romulo “Molong” Pulido ang nanalong kapitan laban kay Raul Octavo, na parehong nagkamit ng 405 votes sa katatapos na barangay election.

Napag-alaman na pinili ni Pulido ang ibon habang tao naman kay Octavo sa P5 peso coin na ginamit sa toss coin.

Bago ang toss coin, pumirma ang dalawa sa isang kasulatan na ginawa ni Sonny Pacion, ang nagsilbing chairman ng board of canvassers.

500 KANSELADONG PROKLAMASYON  ‘DI PWEDENG IAPELA

HINDI na tatanggap ng ano mang apela ang Comelec kaugnay sa kaso ng mga kinanselang proklamasyon ng halos 500 napatunayang hindi rehistradong botante at may criminal convictions.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, malinaw sa batas na ang kwalipikado lamang na kumandidato ay ang mga sumailalim sa proseso ng voters registration.

Alinsunod naman sa panuntunan ng Comelec, kung ang nanalong kandidato ay mapatunayang hindi kwalipikado, ipoproklama ang sunod na kandidatong nakakuha ng maraming bilang ng boto.

60% NG NANALO SA ARMM NAIPROKLAMA NA

INIHAYAG ni Comelec-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Director Atty. Ray Sumalipao, mahigit kalahati na ng mga nanalong kandidato sa kanilang rehiyon para sa barangay elections, ang naiproklama na.

Ito’y  sa  kabila  ng ilang aberyang naitala sa nasabing lugar dahil sa hindi pagdating ng mga gurong magsisilbi sanang board of election tellers (BETs).

Ilan sa ginawang alternatibo ng poll body ay ang pagtatalaga ng mga baguhang pulis para gumanap ng trabaho ng BET.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *