Thursday , November 14 2024

PNP officials sa P400-M repair ng V-150 LAVS sibak sa CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang pagsibak ng Ombudsman sa ilang opisyal ng Philippine  National Police (PNP)at mga pribadong indibiduwal na nahaharap sa kasong kriminal sa Sandiganbayan bunsod ng umano’y maanomalyang pagpapakumpuni at maintenance  ng 28 units  ng  V-150 PNP Light Armored Vehicles (LAVs) na nagkakahalaga ng mahigit na P400-M  noong 2007.

Sa sinulat na resolution ni Associate Justice Romeo Barza na pinaboran nina Associate Justices Noel Tijam at Ramon Cruz, ibinasura ng CA Seventh Division ang inihaing petition ni S/Insp. Annalee Forro na kumukuwestiyon sa parusang ipinataw ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Matatandaang idineklara ng Ombudsman na nagkasala sa kasong grave misconduct ang grupo ni Forro at ipinag-utos ang pagsibak sa kanila sa puwesto, o ang katumbas na halaga ng isang-taon suweldo bilang multa sakaling wala na sila sa serbisyo, kanselasyon ng mga benepisyo at habambuhay na hindi na maaaring bumalik sa  trabaho sa pamahalaan.

Sa pagbasura sa petisyon, nilinaw ng CA dapat petition for review ang idinulog ng petitioner at hindi petition for certiorari.

“As the present controversy pertains to an administrative case, petitioner’s proper remedy there is not by way of certiorari but by way of a petition for review under Rule 43 of the Revised Rules of Court,” ayon sa bahagi ng CA ruling.

Bukod kay Forro, nahaharap din sa apat na bilang  ng paglabag sa Sec. 3(e) of RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); Sec. 65 (b) (4) of RA 9184 (The Government Procurement Reform Act); at Art. 217 in relation to Art. 171 (par. 4)  ng  Revised Penal Code (Malversation through Falsification) sa pagbili ng 40 gulong  nina Teodorido Lapuz IV, Emmanuel Ojeda, Reuel Leverne Labrado, Annalee Forro, Edgar Paatan, Henry Duque at Victor Puddao, pawang miyembro ng Logistics Supports Services – Bids and Awards Committee (LSS-BAC); Josefina Dumanew, Purchasing Officer; Antonio Retrato , Chief, Accounting Division; Warlito Tubon, Inspection Officer, (LSS); Gerry Barias, former Director for Comptrollership; Alex Barrameda, Property Inspector; Eulito Fuentes, Supply Accountable Officer; Rainier Espina, Acting Chief, PNP Management Division, pawang ng PNP at ang pribadong indibidwal na si Oscar Madamba.

Nahaharap din sa nabanggit na kaso sina dating  PNP chief. ret. Dir. Gen. Avelino Razon, Jr.; Lapuz, Ojeda, Labrado, Forro, Paatan, Puddao, Dumanew, Retrato, Tubon, Alfredo Lavina, ng Responsible Supply Police Non-Commissioned Officer  ng  LSS; NUP Maria Teresa Narcise, Property Inspector; dating Director for Comptrollership Eliseo dela Paz; Fuentes, Victor Agarcio, Chief, TMD, LSS; Espina, Acting Chief Management Division; NUP Patricia Enaje, Property Inspector; at mga pribadong indibidwal na sina Harold Ong, Tyrone Ong, Pamela Pensotes, Evangeline Bais, at Artemio Zuñiga; kaugnay naman sa pagkumpuni ng 18 V-150 LAVs.

Ang kasong criminal laban kay Forro at iba pang matataas na opisyal ng PNP ay kasakuluyang dinidinig sa Sandiganbayan.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *