Sunday , December 22 2024

Permit to import ng NFA labag sa WTO-GATT

103013_FRONT

KINUWESTYON ngayon ng importers ng bigas na pinigil ng National Food Authority (NFA) sa iba’t ibang pantalan sa bansa ang kapangyarihan ng ahensya na mag-isyu ng import permits sa bigas sa kabila ng pagtatapos ng karapatan ng Filipinas na magpairal ng mga limitasyon at pagsikil sa dami ng ipinapasok na bigas sa bansa.

Ikinatwiran din ng mga abogado nila na ang patuloy na paggiit ng NFA sa pagpapairal ng mapanikil na patakaran sa importasyon ay direktang paglabag sa World Trade Organization (WTO) – General Agreement on Tariffs and Trade (GATT).

Ayon sa abogadong si Benito Salazar, na kumakatawan sa importers na Silent Royalty Marketing at sa Starcraft International, “natunaw na noong Hunyo ng nagdaang taon ang Quantitative Restrictions sa bigas at kasama sa pagkawala nito ang kapangyarihan ng NFA na mag-isyu ng permit sa importasyon ng bigas.”

Ngunit patuloy pa rin iginigiit ng NFA na ang Quantitative Restrictions ay umiiiral hanggang sa kasalukuyan. Sa liham na may petsang 6 September 2013 kay Salazar at pirmado ni NFA Special Assistant to the Administrator Dennis Guerrero, sinabi ng NFA na ang “quantitative restriction sa bigas ay pinapairal pa rin hanggang ngayon” ayon sa Republic Act 8178.

Kasunod nito ang mga paratang ni NFA Administrator Orlan Calayag na ang Silent Royalty Marketing at ang Starcraft International ay ilan lamang sa mga sangkot sa operasyon ng smuggling ng bigas sa Davao.

“Kailangan balansehin maigi ng NFA ang implikasyon ng kanilang patuloy na paggiit sa kapangyarihan na mag-isyu ng permit sa importasyon ng bigas. Sinasabi ba nila ngayon na wala na rin tayong obligasyon na kilalanin ang malalaking kasunduang panlabas na niratipika ng bansa?” tanong ni Salazar.

“Siguro ay mas maiintindihan ni NFA Administrator Calayag ang mga detalye at komplikasyon ng ating mga kasunduan sa international trade kung mas madalas siyang makipag-miting sa NFA Council upang makapag-aral at matuto naman sa mga bihasang miyembro mula sa DTI (Department of Trade and Industry) at mula sa DOF (Department of Finance).”

Ipinaliwanag din ni Salazar na ang posisyon ng NFA ay hindi sang-ayon sa mga kasunduang panlabas na niratipika ng Senado at dapat na kilalanin ng mga may kapangyarihan.

Sa isang liham na may petsang 10 September 2013 kay NFA Administrator Orlan Calayag, sinabi ni Salazar,  “ang pag-isyu ng NFA ng ‘import permit’ ay itinuturing na ‘discretionary import permit’” at ito ay katumbas sa pagpapairal ng ‘Quantitative Import Restriction.’”

Binigyang-diin ni Salazar na sa pagtatapos ng “quantitative restrictions” noong  Hunyo 2012 “ang karapatan ng Filipinas, kabilang dito ang NFA, na magpatupad ng Quantitative Restrictions (kasama ang pag-isyu ng NFA import permits) ay nag-expire na rin.”

Ang nabanggit na quantitative restrictions ay nagbibigay ng karapatan sa mga kasaping bansa ng World Trade Organization (WTO) na limitahan ang pagpasok ng mga kritikal na produktong agrikultural sa bansa. Naging kasapi ang Filipinas ng WTO noong 1995, at katulad ng iba pang kasaping bansa, nakipagkasunduan ang Filipinas sa isang mas maluwag na kalakalan at panipisin ang mga subsidiya sa mga produktong agrikultura na nakakasama sa kalakalan.

Ngunit ayon sa isang probisyon na itinuturing na “special treatment” sa nasabing kasunduan, maaaring magpataw ng mga limitasyon sa importasyon ng mga sensitibong produktong sakahan na naaayon sa estriktong mga kondisyon.

Batay sa “special treatment provision” na ito hinggil sa bigas na iginawad sa bansa ng WTO, ang Filipinas ay pinayagang magpatupad ng “quantitative restrictions” sa bigas at pinayagan hindi masakop ng probisyon sa “full import liberalization” ng bigas mula 1995 hanggang 2005.

Noong Enero 2004, humiling ang Filipinas ng walong taong palugit upang palawigin ang pribileheyong magpatupad ng nasabing limitasyon (quantitative restrictions) hanggang Hunyo 2012.

Dalawang ulit nang umapela ang Filipinas sa palugit  sa pagpapalawig nito, noong Disyembre 2012 at Marso lamang ngayong taon. Sa dalawang pagkakataong ito, hindi pinagbigyan ng WTO ang Filipinas.

Pinapatunayan lamang ng paulit-ulit na paghingi ng bansa ng pagpapalawig sa “special treatment provision” hinggil sa quantitative restrictions, ayon kay Salazar, na alam ng gobyerno na kailangan nito ang “approval” ng WTO bago maipagpapatuloy ang pagpapatupad ng mga limitasyong ito.

“Hindi magpapagod at gagastos nang ganito kalaki ang DA/NFA sa pangungumbinsi sa mga kasaping bansa ng WTO na palawigin ang quantitative restrictions kung hindi talaga ito kailangan,” paliwanag ni Salazar sa kanyang liham.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *