Sunday , December 22 2024

Jackpot sa Grand Lotto lumobo sa P130 million

HINDI pa rin napalunan ng mga mananaya sa lotto ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).

Ayon sa PCSO, ang winning number combinations ay binubuo ng 10-36-48-41-40-23 na ang premyo ay nasa P122,614,000.00.

Dahil walang nanalo sa Grand Lotto draw, posibleng pumalo sa halos  P130  milyon  ang  premyo sa susunod na bolahan.

Samantala, wala rin nanalo sa 6/45 Megalotto sa winning number combinations na 44-33-18-45-17-10 na may jackpot price na umaabot sa P52,084,556.00.

(JAJA GARCIA)

LOLO PATAY SA VAN  SA PAGTAYA SA LOTTO

KALIBO, Aklan – Patay ang 66-anyos lolo matapos maatrasan ng L-300 van malapit sa isang lotto outlet sa New Washington, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Carlito Ricardo, 66, residente ng Brgy. Jalas sa naturang bayan.

Sinasabing ang biktima ay naatrasan ng sasakyan habang tumataya sa lotto.

Nabatid na iniaaatras ng driver ang kanyang sasakyan nang hindi mapansin ang biktima na nasa likuran pala.

Natumba ang biktima at nabagok ang ulo na agad niyang ikinamatay.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *