Sunday , December 22 2024

Slaughter angat sa Rookie camp

NANGUNA si Greg Slaughter sa mga skills tests na ginawa sa PBA Rookie Camp kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Hawak ni Slaughter ang pinakamataas na talon sa vertical leap at siya ang may hawak sa pinakamabigat na timbang sa bench press.

Bukod dito, siya ang pinakamataas sa kanyang 6-11 5/8 at siya rin ay may pinakamahabang wingspan sa 85 na pulgada.

“I’m not putting too much thought about it. I’m just focusing more on my preparation for the draft and to keep my focus for the task at hand,” wika ni Slaughter na inaasahang mapipili ng Barangay Ginebra San Miguel bilang top pick sa PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson’s Place Manila.

Sa 85 na aplikante sa draft, 77 lang ang dumalo.

“Kinakabahan ako pero excited sa mga ginawa namin,” ani Raymond Almazan.

“Basta ako, focus lang ako sa mga gagawin. Big pressure yung dala ko ngayon dahil magaling yung mga kasabayan ko, pero gagawin ko lang yung best ko anuman yung mangyari,” dagdag ni Ian Sangalang.

Sina Sangalang at Almazan ay inaasahang kukunin ng San Mig Coffee at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod.

Si John Usita ang pinakamabigat na draftee sa 301 na libras samantalang pinakamaraming sit-ups si Paul Sanga na may 533.

Nanguna si Mark Lopez sa kanyang 53 na pull-ups samantalang numero uno ang dating manlalaro ng ABL na si Justin Melton sa kanyang 104 reps.

Nagtabla sina Slaughter, Melton at Isaac Holstein sa pangunguna sa vertical leap sa pareho nilang 11 na talampakan at anim na pulgada.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *