Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Sebastian vs Perpetual

IKATLONG puwesto at pag-iwas sa maagang engkwentro kontra three-time defending champion San Beda College ang paglalabanan ng San Sebastian Stags at Perpetual Help Altas  sa isang playoff sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan.

Ang Stags at Altas ay kapwa nagtapos na may 11-7 record sa ikatlong puwesto sa likod ng San Beda (15-3) at Letran College (14-4).

Ang magwawagi mamaya ay makakatunggali ng Letran Knights sa Final Four samantlang ang matatalo ay makakatapat ng Red Lions.

Kapwa may twice-to-beat advantage ang San Beda at Letran.

Sa papel ay masasabing may bentahe ang San Sebastians at Perpetual Help dahil sa dalawang beses na tinalo ng Stags ang Altas sa elims.

Dinaig ng Stags ang Altas sa overtime, 78-77 sa kanilang unang pagkikita noong Hulyo 8. Nakaulit ang Stags, 71-65 noong Oktubre 19.

Subalit hindi puwedeng gamitin ang resulta ng mga larong ito aupang maging garantiya na patuloy na mawawalis ng Stags ang Altas. At iyan ay alam ni SSC coach Topex Robinson.

Masasabing malayo rin ang narating ng Stags dahil sa pumasok sila sa Final Four sa kabila ng pangyayaring may sampung rookies sa line-up nila. At ngayon nga ay halos beterano na kung kumilos ang mga baguhang sina Jamil Ortuoste, Bradwyn Guinto, Leodaniel de vera, Cjay Perez at iba pa.

Ang Perpetual Help ay pinamumunuan ni Nosa Omorogbe na sinusuportahan nina Harold Arboleda, Justin Alano, Chrisper Elopre, Scottie Thompson at prized rookie Juneric Baloria.

Ang Final Four ay magsisimula sa Nobyembre 7. Sakaling magwagi sa Game One ang San Beda at Letran ay didiretso na silang dalawa sa best-of-three championship series.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …