Hanggang ngayon bantulot pa ang kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos kung ilalaban si Hagdang Bato sa darating na Ambasador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup na gaganapin sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar,Batangas.
Pero tiniyak ng alkalde na itatakbo niya sa 2013 Presidential Gold Cup si Hagdang Bato na gaganapin sa bakuran ng Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Ganun pa man, hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa ang mga tagahanga ni Hagdang Bato dahil wala pa naman nagdedeklara sa mga interesadong tumakbo sa Cojuangco Cup na may nakalaang papremyong P2-milyon.
Inaabangan ng Bayang Karerista ang paghaharap ang dalawang magaling na manananakbo sa hanay ng lokal at imported na mananakbo ang Hagdang Bato at Crusis.
Ang naturang pakarera ay gaganapin sa Nobyembre 17 sa MMTC sa distansiyang 2,000 meters na may P1.2 papremyo para sa mananalo.
Nakatutok ngayon si Mayor Abalos para sa pagdepensa sa titulo para sa Presidential Gold Cup sa ikalawang pagkakataon sa buwan ng Disyembre.
Asahan ninyo na ipaaalama agad naming sa pitak na ito kung magkakaharap ang Hagdang bato at Crusis sa Cojuangco Cup na siyang mahigpit na binabantayan ng Kontra-Tiempo.
oOo
Kaabang abang ang nalalapit na pag-arangkada ng Sprint Championship sa San Lazaro Leisure Park ngayong darating na Nobyembre 10 sa Carmona, Cavite.
Ilan sa masasaksihan na tatakbo ang C Biscuick, Si Senior at Fierce and Fierry na siyang magiging tampok sa karera.
May nakatayang P1-milyon papremyo para sa 1,000 meters na itinakdang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa unang Linggo ng Nobyembre.
Ni andy yabot