Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeron, malakas ang batak sa fans (Got To Believe, lalong sisipa ang ratings)

AAMININ ko Tita Maricris, alam mo naman ako win or lose kulay blue. Pero inaamin ko ang totoo na sa ngayon sikat talaga si Jeron Teng ng La Salle, na siyang naging MVP noong nakaraang UAAP season. Noong maging guest siya kasama ng kapatid na siJeric sa show ni Ryzza Mae Dizon, aba eh makikita mo kung paanong nagkakagulo ang  fans, at kung paano silang nagtitilian sa tuwing may fans mula sa audience na nakahahalik sa magkapatid na Teng.

Kung noong mga nakaraang araw ay sinasabi nilang bumaba na ang ratings ng show ni Ryzza, tiyak sumipa ulit iyon noong maging guest ang mga Teng.

Ang panalo talaga riyan, iyong ABS-CBN, dahil nakuha na nila si Jeron  at isinama agad sa Got to Believe, malakas ang batak ni Jeron at tiyak tatabunan niya sa puntos sa ratings ang kalaban. Makaka-team pa niya si Daniel Padilla. Tiyak kuba ang kalaban.

Demanda ni Sarah laban kay Annette Gozon, ibinasura

IBINASURA na ng piskalya sa Quezon City ang demanda ni Sarah Lahbati laban kayAnnette Gozon-Abrogar ng GMA, pero sinabi ng kanyang mga abogado na hihingi sila ng consideration sa naging desisyong iyon. Sinabi ng piskalya na ibinasura nila ang demanda ni Lahbati dahil sa kakulangan ng ebidensiyang mapagbabatayan na totoo ang sinasabi niyang pinipilit siya nina Abrogar, Arsi Baltazar at iba pa nilang mga kasama na pumirma ng co-management contract sa isa pang kompanya, na sinasabi rin niyang makasasama sa kanyang interest dahil mababawasan nang mas malaki pa ang kanyang kita.

Sinabi niyang nang tumutol siya sa sinasabi ni Gozon, sinakal na ng kanyang home network ang kanyang career kahit na siya ay under contract sa talent arm noon na pinamumunuan dati ni Baltazar.

Pero sinabi ng piskalya, kulang ang ebidensiyang iniharap niya.

Maraming problema eh. Una, hindi nga masyadong napaghandaan iyang mga kasong iyan dahil sandali lang naman siyang umuwi para sagutin ang naunang demanda laban sa kanya ng GMA at ni Abrogar. Madalian din ang kanyang paghahain ng mga kaso laban doon. In fact, iyong ibang mga kaso ngang isinampa, pinanumpaan lang niya at ang abogado na lang niya ang naghain niyon later, dahil umalis din agad siya matapos lamang ang ilang araw.

Sumama yata siya noon sa bakasyon kasama ang buong pamilya Gutierrez. Si Richard Gutierrez ang kanyang boyfriend. Dahil sa pagsuporta ni Richard kay Sarah, hindi iyon pumirma sa panibagong kontratang iniaalok sa kanya ng GMA, kaya floating din ang career niya sa ngayon.

Hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari sa mga kasong iyan. Nasa hukuman na ang mga kasong isinampa ni Abrogar laban kay Sarah. Iyong mga kaso namang isinampa niya, nasa piskalya pa yatang lahat.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …