Monday , December 23 2024

Customs collectors, bakit ibinabartolina sa Bangko Sentral ng Pilipinas!? (Ito ba ang tuwid na daan?)

00 Bulabugin JSY
ITO raw ang pinakamasaklap na panahon sa kanilang karera bilang mga Customs Collector. ‘Yan po ang hinaing at reklamong natanggap ng inyong lingkod. Nitong nakaraang linggo kasi, napasyal tayo sa Pier (POM) at hindi sinasadyang nakasalubong natin ang isang customs collector na kasama sa 27 Collectors na ibinalibag sa non-existent Customs Policy and Research Office (CPRO) Department of Finance.

By the way, ang nakausap kong Collector ay hindi kasama sa mga pumirma at nag-file ng TRO. Ang CPO (customs personnel order) at EO (executive order) ay ‘yung reshuffle sa 27 customs collectors kaugnay nga ng repormang isinusulong ni Commissioner Ruffy Biazon sa Bureau of Customs alinsunod sa atas ng Malacañang.

Pero batay sa pagkukuwento ng customs collector na nakahuntahan natin, sila raw ay naging ‘sacrificial lamb’ sa repormang itinutulak sa kawanihan na kanilang pinagsilbihan sa buong buhay ng kanilang karera sa public sector.

Ang una nilang hinaing, nang tanggapin nila nang walang pagtutol ang pagtatalaga sa kanila sa Customs Policy and Research Office (CPRO), inakala nilang sila ay ilalagay sa isang opisina na ang trabaho ay may kaugnayan sa research and policy making sa BoC. S’yempre nga naman, sa kanilang mga dating pwesto, sila ay mga bossing na mayroong minamanehong opisina at sinu-supervise na tao. Pero sa ‘opisinang’ pinagdalhan (hindi sa Department of Finance building) sa kanila, nakita umano nila kung paano sila ‘hinubaran’ ng posisyon, tinanggalan ng trabaho at ‘ikinulong’ na parang preso.

Ang ‘opisina’ na inaakala nila ay doon pala sa isang top floor at sulok na animo’y bodega ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Roxas Blvd. Pagpasok niya sa nasabing kwarto, nagulat siya dahil hindi mukha ng isang opisina ang kanyang nakita kundi isang tila bodega. Mayroong dalawang mesa na walang drawer, mayroong monoblock chairs, walang computer, walang typewriter o walang kahit anong equipment na pwedeng tawaging opisina.

Araw-araw ay kailangan mong dumaan sa 3 X-ray walk detector machine, hindi pa kasama riyan ang physical frisking. Alam naman n’yo siguro kung gaano kahigpit ang security ng BSP. Dagdag pa riyan na kailangan nilang mag-biometrics finger scanner para sa daily time record. Oras na pumasok sila ay hindi pwedeng pagala-gala sa BSP building. Eksakto alas-dose ang lunch break at kailangan bumalik sila ng ala-una ng hapon. Naroon din ang iba pang tinamaan ng CPO. Nakaupo lang sila, walang ginagawa sa buong maghapon kundi ang maghuntahan, tumunganga at maidlip. Walang instruction o direction kung ano ang gagawin nila … kung sila ba ay Customs collector pa ba o biglang naging researcher? Daig pa nila ang inilagay sa ‘TORTURE CHAMBER.’

Sa buong panahon ng kanilang panunungkulan sa public sector ngayon lang umano nila naranasan ang ganyang klase ng ‘pagmamaliit’ sa kanila gayong hindi maikakaila na sila ay naging katuwang din ng pamahalaan para sa paglikom ng koleksiyon na ipinapasok sa national treasury.

Ngayon pa sa ilalim ng pamahalaan na may slogan na ‘DAANG MATUWID.’ Kung talaga umanong hindi satisfied sa kanila ang administrasyong may ‘daang matuwid’ sana raw ay nag-offer na lang sa kanila ng early retirement package, o kaya sinibak na lang sila, o kaya naman ay kinasuhan sila kung sa tingin nila ay dapat silang sampahan ng kaso.

Tsk tsk tsk …

Talaga naman nabagbag ang damdamin natin sa emosyonal na pagkukuwento ng nasabing customs collector. Napakasakit na kahit pala CESO holder ka o abogado ay wala palang garantiya na may security of tenure ka sa BoC. Lumalabas na hindi pa nga raw makaTAO ang trato sa kanila ngayon.

Kaya mas maigi at tama pa nga raw ang ginawa ni customs collector Imelda Cruz na nag-RESIGN na lang kaysa naman ma-damage ang pagkatao mo, mawala ang self-esteem mo o tumunganga lang sa ‘TORTURE CHAMBER.’

Hindi lang daw ‘yan. Sa mga susunod na araw ay may balita na may darating pang mga BoC division chiefs na tatamaan din ng CPO at doon din itatapon sa nasabing ‘TORTURE CHAMBER.’

God Forbids…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *