Friday , November 15 2024

Batak sa laban si Fajardo

MALAKING bagay talaga ang pangyayaring naging miyembro ng Gilas Pilipinas si June Mar Fajardo!

Nahasa siya nang husto sa national team.

Hindi lang siya ang naitokang makipagbanggaan kay Marcus Douthit sa practices. Kahit paano’y nadagdagan ang kanyang karanasan sa pakikipagsalpukan sa mga malalaking nakatagpo buhat sa iba’t ibang koponan kahit pa hindi naman mahaba ang kanyang naging playing time.

Ang lahat ng karanasang ito ay nagamit niya nang husto sa Governors Cup kung saan tumaas nang husto ang kanyang mga numero.

Aba’y kung ganito ang kanyang mga numero mula pa noong Philippine Cup, puwedeng siya ang nahirang na Rookie of the year.

Pero tapos na iyon at ang karangalan ay napunta kay Calvin Abueva na naging consistent mula umpisa. Natulungan pa nga ni Abueva na magkampeon ang Alaska Milk sa Commissioner’s Cup.

Sina Fajardo at Abueva ang siyang susundan ng mga PBA fans sa mga susunod na seasons. Siya ang bagong bayani ng liga.

Dominante man si Fajardo sa kampo ng Petron, kailangan pa rin niya ng makakatulong. Kasi para bang siya lang naging big man ng Bosters. Paretiro na ang two-time Most Valuable Player na si Danilo Ildefonso na siyang nagtuturo din sa kanya. Hindi na siguro ito makakasabay sa mga batang big men.

Kaya naman kakailanganin din ng Petron na kumuha ng isa pang big man buhat sa susunod na Draft upang hndi naman mahirapan nang husto si Fajardo.

Nakita naman ng lahat ang kakulangang ito sa nakaraang Finals kung saan pinagtulungan ng mga big men ng SanMig Coffee si Fajardo. Pinagod. Kinuhanan ng fouls.

Kung may makakatulong si Fajardo sa mga susunod na seasons, tiyak na aani ng sunud-sunod na tagumpay ang Petron.

Sayang lang kung pababayaan lang ng Petron na mag-isa si Fajardo sa gitna, e.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *