Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Bong, kinuwestiyon si De Lima

BASE sa mungkahi ni Department of Justice Secretary Leila de Lima, dapat kanselahin ang pasaporte ng lahat ng mambabatas na sangkot sa Pork Barrel Scam at kasama na rito si Senator Bong Revilla, Jr..

Dahil ditto, naglabas ng official statement si Sen. Bong tungkol sa isyu.

Base sa official statement na ipinadala ng kampo ni Sen. Bong, kinukuwestiyon ng aktor/politiko ang aksyong ginawa ni Sec. de Lima at aniya ay hindi raw ito makatarungan.

“The way things are going, I don’t think we can expect fairness.  Kung mismong ang konstitusyon at mga karapatang pantao na ang binabalewala, paano pa nating aasahan ang katarungan?

“What is ironic is that she (Sec. de Lima) used to be the Chair of the Commission on Human Rights but it seems that to her, basic Human Rights is something that can be utterly disregarded.”

Giit pa ni Sen. Bong sa sinabi ni Sec. de Lima noon na hindi na raw ito maaaring magkomento dahil nasa Ombudsman na ang kaso at wala na sa kanya.

“She recognized the fact that it was no longer under her jurisdiction. She said she would no longer make comments, pero, heto ngayon at kung ano-ano pa ang sinasabi.

“Her statements belie her claim of neutrality and objectivity, and expose her true disposition and bias.

“Ngayon pa lang, kahit wala pang demanda na nakasampa laban sa amin, daig pa namin ang convicted na.  Paano kaming magtitiwala ng mayroon pang due process kung hindi pa nga nagsisimula ang proseso ay gusto na kaming parusahan?”  ayon pa sa official statement ng senador.

Ayon pa kay Senator Bong, mas pinili niya ang manahimik at sa proper venue niya nais sanang magsalita.

“Naniniwala kasi ako na sa tamang lugar, at sa patas na proseso ay makikitang lahat ng mga akusasyon ay ‘yun lamang – mga akusasyon.

“Nagtiwala kasi ako na sa parehas na pagtingin sa ebidensiya ay malilinis ang aking pangalan – na lalabas ang katotohanang wala akong ninakaw sa kaban ng bayan.

“Pero, sa ganitong mga ipinakikita ng administrasyong ito, hindi kaya ako nagkamaling magtiwala na may batas pang umiiral?” sabi pa sa ipinadalang statement ng senador.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …