Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Role ni Maja sa Legal Wife, makasasama sa kanyang imahe?

BASE sa kuwento ng creative head ng unit nina Ms Malou Santos at Ms Des Tanwangco na siMr. Henry Quitain, based on true to life story ang kuwento ng bagong seryeng Legal Wife na pagbibidahan ni Angel Locsin kasama sina Jericho Rosales, JC de Vera, at Maja Salvador mula sa direksiyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.

Kuwento ni Henry, ”mayroon pong mga kuwento ng mayayamang tao, mga mahihirap, ordinaryong tao. The story po focus on the legal wife, lahat ng pinagdaraanan niya, pero hindi ‘yung problema ng legal wife towards another woman. Kumbaga sa lahat, sa asawa, sa pamilya, sa mga nakikialam sa buhay mag-asawa.”

Sa kuwento ay mag-asawa sina Angel at Echo, at ang aktres daw ang legal wife, pero may back story na si Maja rin ay pinakasalan ng karakter ng aktor at dito mag-uumpisa ang conflict ng istorya kung sino ang legal wife at mistress sa dalawang babae.

Parehong sa advertising agency nagtatrabaho sina Angel at Echo samantalang si Maja ay events organizer kaya’t iisang mundo lang ang iniikutan nilang tatlo na nagkaroon ng sulutan.

“Nag-immerse po sila sa advertising agency, we got the help of Saachi & Saachi, si Angel is a copy writer po rito,” kuwento ng creative head.

At dahil advertising executive ang role ni Angel sa Legal Wife kaya talagang nag-effort pa siyang pag-aralan ito sa tulong ng John Robert Powers.

Nagtanong kami na mabuti at tinanggap ni Maja ang role at hindi ba ito makakasama sa imahe niya bilang mistress sa Legal Wife dahil nga hanggang ngayon ay nakatanim pa rin sa tao ang nangyari sa kanila ng bestfriend niyang si Kim Chiu?

Ang paliwanag ng Adprom head ng MNS unit na si Mico del Rosario, ”at the end of the day, nangingibabaw kay Maja ang pagiging aktres niya, ang propesyon niya, this is a role.”

Samantala, inamin din sa amin na ang role ni Echo ay dapat sana kay Paulo Avelino, pero hindi nga raw ito tinanggap ng aktor dahil, ”I think, he has other plans at that time,” say sa amin.

Parang gusto na naming hilahin ang araw para mapanood na ang Legal Wife dahil ang gagaling ng cast, pawang mga premyadong artista tulad nina Boyet de Leon, Rio Locsin, Mark Gil, Echo, Maja, at Angel.

Sa kabilang banda, hindi pa masabi sa amin kung kailan talaga ang airing ng Legal Wife na aabutin ng 20 weeks, ”basta this November,” say sa amin ni Mico.

Tinanong din namin kung kumusta si Angel sa taping ng Legal Wife dahil nga may pinagdaraanan siya ngayon sa buhay pag-ibig niya.

“Normal naman, wala namang problema, okay naman siya.  Propesyonal si Angel, hindi mo mahahalatang may problema,” say pa sa amin ni Mico.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …