Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, hindi lucky sa pag-ibig

NAGKATOTOO ang hula ng marami na hindi magkakatuluyan sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Single kasi si Luis, samantalang may anak na si Jennylyn. Maaaring sa publisidad, magkaibigan sila pero imposible kung haharap sa altar. Binata si Luis at anak pa ng gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos.

Hindi naman nakikialam si Gov. Vi sa dalawa. Tanggap na nga sana si Jen, para sa kanyang binata. Pero ewan kung bakit humantong sa hiwalayan ang dati ay maingay na pagmamahalan ng dalawa.

May third party kaya? Kung kailan pa naman nalalapit ang Pasko.

Anne, talo na ni Jasmine dahil sa Transit

MASUWERTE ang utol ni Anne Curtis si Jasmine Curtis dahil nagkaroon siya ng pagkakataong gumawa ng isang indie film, ang Transit na kasali sa Asian Film Festival.

Tipong natalbugan niya si Anne. Marami mang pelikula si Anne, rito nga lang sa Pilipinas napapanood.

Balita ngang baka maisali rin ang Transit sa darating na Oscar. Ibang klase ang tema ng pelikula, hindi puro iyakan lang at kabaklaan. Mga bagong idea ang ipinakita rito ni Direk Paul Soriano.

Pakikipag-relasyon ni Ka Freddie sa bagets, walang natuwa?

PARANG walang natuwa at humanga man lang sa pag-expose ng relasyong Freddie Aguilar at GF niyang 16 years old.

Hindi raw tino-tolerate ang ganitong pag-iibigan dahil baka pamarisan ng iba. May nagkokomentong baka dahil sa kahirapan ng buhay, kaya’t payag pakasal ang bagets sa international singer?

Pero may mga nagtatanong din, bakit daw sina Vic Sotto at Pauleen Luna parang walang kumokontra? Dahil daw kaya sikat si Vic kaysa kay Freddie?

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …