Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, flattered na crush ng magkapatid na Jeron at Jeric Teng

IBANG klase talaga ang ganda ni Jessy Mendiola. Matapos magpahayag nina Sam Milby at Jake Cuenca na interesado o nililigawan nila ang aktres, hindi naman ikinaila ng magkapatid na basketbolista na sina Jeron ng De La Salle University Green Archers at Jeric Teng ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang paghanga nila kay Jessy.

Very vocal ang dalawa sa pagsasabing gandang-ganda sila sa bida ng Maria Mercedes. Umabot ito kay Jessy sa pamamagitan ng social media na ikinatuwa naman niya.

“Nameet ko na sila once noong ‘Kris TV’ tapos biglang heto nali-link kami. Nakaka-flatter na nakaka-awkward din ng kaunti kasi siyempre ‘pag nagkita kami uli ‘di ba alam mo na crush ka nila. Pero nakatutuwa naman na inamin nila in public na hinahangaan nila ako,” ani Jessy.

Ayon sa balita, hindi pa uli nagkikita sina Jessy at ang  magkapatid ngunit nakapag-usap naman sila sa Twitter at via phone patch kamakailan nang hiningan ng Minute To Win Itng mensahe si Jessy para sa dalawa, na siyang studio players ng mga oras na iyon.

Nang tanungin kung maaari siyang ligawan ng isa sa magkapatid, sagot ni Jessy ay”ligaw agad? Hindi ba puwedeng friends muna?’ Bukas naman ako sa pakikipagkaibigan. Mukha naman silang mababait pero sa ngayon, ang focus ko talaga ay trabaho at ‘di ko priority ang love life.”

Hindi kataka-takang maraming boys ang mahalina kay Jessy tulad ng kanyang karakter sa primetime soap na Maria Mercedes na kinahuhumalingan at pinag-aagawan din siya ng mga kalalakihan.

“Siguro isa nga ‘yun sa pagkakapareho talaga namin ni Mercedes. Pero kompara sa akin, mukhang mas magaling yata siya pagdating sa boys,” biro ni Jessy. ”Ako kasi minsan hindi ko talaga alam paano magre-react kapag may magsasabi sa akin na crush ako ni ganito o ni ganyan.”

Aminado naman si Jessy na ang focus niya sa kasalukuyan ay ang kanyang trabaho kaya  malayo pang mamili si Jessy sa mga admirer niya. Pero ang sabi, mukhang nakalalamang na sa puso ng karakter niya bilang si Mercedes sa pagiging mas malapit nito si Luis (Jake Cuenca).

Sa Maria Mercedes, nagkakalapit na sina Luis at Maria. Saan kaya hahantong ang kanilang pagkakaibigan? Tuluyan na bang mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa? Paano na sina Clavio (Jason Abalos) at Misty (Nikki Gil) na umaasa sa pag-ibig nila?

Kaya hhuwag palalampasin ang tamis at pait ng buhay at pag-ibig ni  Maria Mercedesweeknights pagkatapos ng Got to Believe sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @MariaMercedesPH sa Twitter at i-like angwww.facebook.com/MariaMercedesOfficial sa Facebook. Ipahayag ang inyong opinion sa show gamit ang hashtag na #MariaMercedes.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …