Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy Hairdressers, wagi sa 13th Hair Olympics

102613 GRR

SA kabila ng maraming malulungkot na pangyayari sa ating bansa na bumabandera sa mga babasahin at telebisyon (lindol, baha, sunog, at giyera) may magagandang kaganapan na dapat nating ipagdiwang.

Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m., tampok ang mga Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Mula Kuala Lumpur, Malaysia ay nag-uwi ng tatlong tropeo ang mga delegado ng Pilipinas (nasa kalakip na larawan) sa mga kategoryang sinalihan nila sa Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologist Association 13th Hair Olympics. Basta sa larangan ng pagpapaganda, wagi ang Pinoy!

Pararangalan din ang dalawang Independent film (Indie) na umani ng tagumpay sa international film festival gaya ng Alagwa na nagwagi ng Best Actor si Jericho Rosales at Palitan na nagkamit ng Best Actress si Mara Lopez.

Tampok din ang cheer-dance champion sa katatapos na UAAP Games.  Sa interbyu ni Mader Ricky sa mga miyembro ng National University (NU) ay malalaman natin ang hirap, pagsisikap, at disiplinang pinagdaanan ng mga kabataang lalaki’t babae para iuwi ang karangalan.

At basta usapang food supplement, wala nang tatalo sa MX3 capsule, tea and coffee na galing sa katas ng garcinia mangostana.  Saksi rito ang mga satisfied users na magbibigay ng testimonial.

Siyempre, wagi rin si Chef Mel Martinez na tuwing Sabado’y nagtuturo ng pagluluto ng mga masasarap at masusustansiyang putahe sa Cooking With Bunso.

Tutok lang lagi sa GRR TNT na umeere sa GMA NEWS TV at prodyus ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …