Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, tikom pa rin ang bibig sa break-up nila ni Phil

ISA si Angel Locsin sa sinadya namin sa taping ng Toda Max bukod sa pa-dinner ni Ai Ai de las Alas na ginanap sa Speaker Perez, Quezon City para sa Halloween episode ng programa.

Bago kami tumuloy sa tent ni Ms A ay inuna naming puntahan si Angel na mukhang bagong gising dahil naniningkit pa ang mga mata dahil umaga na siya pinakawalan sa taping ng seryeng Legal Wife kasama sina Jericho Rosales at Maja Salvador.

Nang makita kami ni Angel kasama sina bossing DMB at Ervin Santiago ay kaagad namang bumeso ang dalaga at ngumiti at saka bumalik sa pagbabasa ng script.

Halatang umiwas na ma-interbyu si Angel pero humirit kami ng tanong na ang isasagot lang niya ay oo at hindi pero kaagad siyang nagsabing, ”ate, Reggs nagbabasa ako ng script,” sabay talukbong ng mga script sa amin.

In fairness nagsabi ang aktres ng, ”ate Reggs, ayaw kong pag-usapan.”

Ayon naman sa executive producer ng Toda Max na si Rocky Ubana ay nagsabi sa amin ng, ”Reggs, ‘wag mong guluhin at baka hindi makapag-trabaho.” Sundot din ng personal assistant ni Angel na si Lynnet, ”magsasalita naman ‘yan, hintayin mo na lang.”

Kaya pumunta na kami sa tent ng nag-iisang comedy queen.

Natanong din si Ms. A kung may alam na siya tungkol sa paghihiwalay nina Angel at Phil Younghusband, ”ayaw kong alamin. At saka parang okay naman siya ngayon (taping ng TM),” say ng komedyana.

Anong klaseng okay, sundot kay Ms A, ”walang nabago, pero niloko ko siya (Angel) kanina, pero sabi niya, ‘ayokong pag-usapan’ kaya sabi ko, ‘totoo na ‘yan? O sige, ‘yung akin na lang pag-usapan natin,’” tumatawang kuwento ng comedy queen.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …