BRONZE STATUE SA LUNETA NAWAWALA. Itinuturo ng security guard ng National Park Deve-lopment Committee, ang kinalalagyan ng nawawalang bronze statue sa loob ng Kanlu-ngan ng Sining sa Luneta Park, na nagkakaha-laga ng P500,000 at gawa ng eskultor na si Juan Sajid Imao. (BONG SON)
Nawawala ang isa sa mga bronze sculptures sa Rizal Park sa Maynila iniulat kahapon. Ang nawawalang eskultura na isang korona ng hari ay isa sa mga likha ni Juan Sajid Imao sa Kanlungan ng Sining. Si Imao rin ang eskultor ng bantayog ni Lapu-Lapu sa naturang liwasan.
Kasalukuyang under renovation ang bahagi ng Kanlungan ng Sining.
Isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng eskultura ang tauhan ng pribadong contractor.
Para maitago ang krimen, nilagyan ng halaman ang pedestal na kinalalagyan ng korona.
Tinatayang hindi bababa sa P500,000 ang halaga ng nawawalang obra, ayon kay Arts Association of the Philippines President Fidel Sarmiento. (LEONARDO BASILIO)