Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

100 pamilya homeless sa Malabon fire

MAHIGIT sa isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin  ng apoy ang may 50 kabahayan kahapon ng umaga sa   Tenajeros, Malabon City .

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon, dakong 9:21 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang  Wilma sa Arasity   Village, Brgy. Tenajeros ng nasabing lungsod.

Naiwan ng ginang ang kanilang kalan habang nagluluto ng almusal matapos maghatid sa kanilang mga anak sa  kalapit na paaralan at pagbalik ng bahay ay nagliliyab na ang kanilang tirahan.

Nabatid na nahirapan ang mga bombero na madaliang patayin ang apoy dahil sa makitid na mga eskinita sa nasabing lugar.

Walang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing  sunog na umabot ng ikalimang alarma at naapula dakong  tanghali sa pagtutulungan ng mga bombero ng mga karatig na lungsod at mga fire volunteers.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …