ISANG dream come true para sa actor/writer/director na si Vince Tañada ang kanyang pinakabagong obrang may titulong Bonifacio, Isang Sarsuwela. Si Vince ang bida sa play na ito na tumatalakay sa talambuhay ng Supremo ng Katipunan, siya rin ang direktor at sumulat nito.
Nakahuntahan namin si Atty. Vince pagkatapos ng pagtatanghal nila ng naturang musical play sa SM North Edsa last Saturday at sobra siyang nagagalak sa pinakabago niyang obra sa teatro na mapapanood pa hanggang March 2014.
Ayon kay Vince na isang Palanca at Aliw awardee, sa play na ito ay makikita si Bonifacio hindi lamang bilang matapang na manghihimagsik, kundi bilang tao rin na nasasaktan. Makikita rin dito ang labis na pagmamahal niya hindi lamang sa bayan kundi pati na rin sa pa-milya, sa kaibigan, at maging sa kaaway. “Malaki ang puso ni Bonifacio at punong-puno ito ng pagmamahal,” saad pa niya.
Ipinaliwanag din ng founder at CEO ng Philippine Stagers Foundation (PSF) na naisipan niyang gawin ang play dahil lahat ng mga bayani, si Bonifacio ang may pinakakontrobersiyal na buhay. “May malaking debate at magkakaibang pana-naw ang mga historian tungkol sa totoong pangyayari sa kanyang buhay, sa pakikidigma, sa pamumuno niya ng Katipunan at sa kanyang pagkamatay. Alam kong mauunawaan ng marami ang kanyang buhay pagkatapos mapanood ang dula.”
Sa naturang play din ay ipinakita na imbes na si Aguinaldo ang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas noong deklarasyon ng kalayaan ng ating bansa, si Bonifacio ang gumawa nito. Bakit ganito ang ginawa niyang treatment dito? “What I did in the ending, there was this experimental part wherein the Philippine flag was transferred from Emilio Aguinaldo to Andres Bonifacio. There were a lot of brows raised, most specially the historians. But this is theater and hindi ba there is always parang poetic and artistic justice pagdating sa teatro?
“So, inilagay ko iyon, kasi ang tanong doon – paano kaya kung hindi napatay si Bonifacio, kung buhay pa siya noong declaration of Philippine independence? E, malamang na siya talaga ang nagwagayway ng ating bandila.”
Pero, ang istorya ng musical play na ito ay base saan? “Actually, there are several references for this particular play. But the good thing about this play, the reference was not Bonifacio himself. Unlike in El Presidente (dating pelikula ni Gov. ER Ejercito), you can quote me on that, because it was specified at the ending of the mo-vie, that the reference was the memoirs written by Emilio Aguinaldo himself.
“So, kung iisipin mo ay self-serving iyon, kasi siya mismo ang sumulat. But itong play na ito ay napakaraming reference katulad nina Ambeth Ocampo, Virgilio Almario, Renato Constantino… na hindi si Bonifacio ang nagsulat. Ito ay mga accounts ng iba’t ibang naka-witness sa buhay ni Bonifacio noong panahon na iyon.”
Paglilinaw ni Atty. Vince, “Kapag inisip mo—si Emilio Aguinaldo was depicted in this play as a victim. A victim of a very bad political system, ganoon ang ipinakita sa play e, hindi siya ipinakita bilang traydor. Actually, remorseful siya in the end, ‘di ba?”
Ano ang message na gusto niyang sabihin sa supporters ni Aguinaldo? “Dapat na mapanood nila ito, kasi sa lahat ng Bonifacio na tula o pelikula o kaya ay aklat, ang dulang ito ay ipinapakita si Aguinaldo bilang isang mapagmahal na tao, na may remorse,” seryosong pahayag ni Vince.
Ang iba pang PSF members na gumaganap ng mahahalagang papel sa play na Bonifacio, Isang Sarsuwela ay sina Jordan Ladra bilang Emilio Aguinaldo, Cindy Liper bilang Oryang, Patrick Libao bilang Emilio Jacinto, at iba pa.
Bukod sa teatro, abala rin ngayon si Direk Vince bilang artista sa pelikula. Matapos ang launching movie niyang Otso ni Direk Ewood Perez, si Vince naman ang magbibigay ng suporta sa launching movie ng singer na si Ronnie Liang na ilulunsad sa pelikulang Object of Desire.
Dennis, sabit ang pangalan sa hiwalayang Jennylyn-Luis
NADAWIT ang pangalan ni Dennis Trillo sa napabalitang break-up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Ngunit itinanggi ni Dennis ang intrigang may kinalaman siya sa kinasapitan ng relasyon nina Luis at Jennylyn.
Matatandaang dating na-ging magkarelasyon sina Dennis at Jennylyn na nauwi sa kontrobersiyal at bayolenteng hiwalayan noon.
Samantala, nagulat ang marami sa biglaang break-up nina Luis at Jennylyn. Noong October 1 ay lumabas pa sa article ni katotong Rey Pumaloy sa PEP.ph na mariing itinanggi ni Jennylyn ang balitang hiwalay na sila ni Luis. Pero matapos ang higit two weeks, lumabas din sa PEP.ph na ayon sa ilang mala-lapit sa dalawa ay break na raw sina Jennylyn at Luis.
Last October 18 dapat ang second anniversary ng dalawa. Kapwa ayaw pang magsalita nina Jennylyn at Luis hinggil sa isyung ito.
Nonie V. Nicasio