Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV 5 wala nang bilib kay Nora Aunor?

SA MGA bagong programa ng TV 5 lalo sa mga bagong lunsad nilang Weekend Show ay wala si Nora Aunor. Nagbabadya ba na tapos na ang career ni Nora sa TV network ni Mr. Manny Pangilinan?

Anong nangyari, hindi ba’t sabi ay paboritong actress ni MVP ang Superstar. Well, siguro noon ‘yun, noong bilib pa ang nasabing businessman kay Ate Guy Oo! Pero dahil sa pare-parehong hindi naging maganda ang outcome ng mga teleseryeng ginawa ng actress sa Kapatid network, idagdag pa na may reklamo sa kanya na naging sakit siya ng ulo ng production dahil sa cause of delay raw sa mga taping. S;yempre kung totoo nga ang lahat ng mga paratang na ito sa ating superstar aba’y talagang tatabangan na sa kanya ang management. Hayan, pati raw suweldo ngayon ng mahusay na actress ay iniipit na ng estasyon. Nauna na niyang inireklamo noon ang pagkaltas ng TV 5 ng halagang P1.5 million sa kanyang talent fee. Sa aming pagkakaalam ay 5 years ang pinirmahang kontrata ni Nora sa TV 5. Kung guaranteed ang contract niya, malaki ang kanyang laban na makuha ang lahat ng salary lalo na kung isasanguni niya ang bagay na ito sa magaling na abogado. Pero kung hindi naman ay tanggapin na lang ni Ate Guy na nganga siya.

Korak gyud!

MAS PINALAKI  AT MAS PINASAYANG  “JUAN FUN DAY” NI COCO MARTIN, SA TRINOMA MALL BUKAS NA

Tuloy-tuloy ang hatid na pasasalamat ni Coco Martin kasama ng mga co-star sa No.1 Teleserye na “Juan dela Cruz” at ng Dreamscape Entertainment Television ni Sir Deo Endrinal sa lahat ng viewers na mula day one na umere sila hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa kanila gabi-gabi sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Pagkatapos maikot ni Coco ang ilang schools kasama na ang Public School sa Tacloban City na umabot sa 3,500 kids ang napasaya at natulungan ng actor para sa kanilang “Juan Fun Day” project.

Ngayon naman ay handog ni Coco ang kanilang engrandeng pasasalamat sa mga manonood sa buong Quezon City na mamimigay ang mabait na actor ng maagang Pamasko. Kaya bukas, Sabado, alas-singko ng hapon, isama ang lahat at punta na sa Grand Fans Day ng Juan dela Cruz sa Activity Center ng Trinoma Mall at saksihan ang mas lalong pinalaki at mas pinasayang “Juan Fun Day.”

Bukod sa entertainment at pakontes na hatid ng buong cast at mahuhusay na singer sa bansa na umawit sa Volume 1 at 2 ng JDLC album, kung sino-sino pa ang aabangan nila rito. Marami pang sorpresa si Coco para sa inyong lahat, so don’t miss it.

Kaya pila na agad-agad gyud!

Eat Bulaga Nakikiisa Sa PLDT Gabay Guro Grand Gathering

Kung gusto ninyong maimbitahan para sa taunang PLDT Gabay Guro Grand Gathering sa October 26 na gaganapin sa MOA Arena na dadaluhan ng malalaking celebrity na may chance pa kayong manalo ng exciting prizes from Gabay Guro. Mga Dabarkads watch lang everyday ng Eat Bulaga at sagutin ang question of the day. Sagutin ang tanong kasama na ang iyong komento sa posted question. Sali, na Dabarkads I-like mo na rin ang Gabay Guro Page sawww.facebook.com/Gabay Guro. Nakikiisa ang Eat Bulaga sa nasabing event dahil naniniwala ang programa sa edukasyon at saludo sila sa lahat ng mga Guro sa bansa. Sa kanilang programa ay patuloy ang pagpapaaral nila nang libre mula High School hanggang Kolehiyo at pagbibigay ng monthly allowance sa bawat mag-aaral na kabilang sa kanilang EBest o Eat Bulaga’s Excellent Student. Kaya naman pinagbubuti talaga ng mga scholar nila ang pag-aaral nang maging proud naman sa kanila ang show na itinuturing na hulog ng langit sa lahat.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …