AMINADO si Piolo Pascual na hindi niya ilalagay ang kanyang sarili sa sitwasyon na magiging katawa-tawa siya na maaaring maging rason na pagdudahan ang kanyang pagkalalaki.
Kahit tila uso ngayon (lalo na sa mga indie film) ang mga pelikula o TV series na ang tema ay kabadingan, hindi atat si Piolo na makigaya at maki-uso sa ibang artista.
“Siguro hindi naman ako tanga para ilagay ang sarili ko sa sitwasyon na pagtatawanan ako at pag-iisipan ako ng hindi maganda,” saad ng isa sa pambatoing actor ng Kapamilya Network sa ginanap na press conference kamakailan para sa Sunpiology Fun Run sa darating na November 23 sa Bonifacio Global City.
Ayon pa sa actor, mas gusto niyang piliin ang mga proyektong gagawin niya na nababagay sa kanya at hindi pagmumulan ng intriga.
Matatandaan na madalas siyang intrigahin dahil sa ilang nagdududa sa kanyang gender, subalit hanggang ngayon ay isa pa rin si Piolo sa maituturing na crush ng bayan at tinitilian ng maraming kababaihan.
Anyway, tila uminit na naman ang isyu ng mga actor nating tinatawag na kloseta o ‘di lantad ang tunay na sexual preference. Lately ay naging usap-usapan din ang umano’y video scandal daw ni Enchong Dee, pero ipinagkibit-balikat lang ng aktor ang naturang intriga.
Actually, maraming actor na porke tisoy o medyo malamya lang kumilos ay agad napagdududahan agad ang tunay na gender. Kaya parang ordinaryo na lang talaga ito sa mundo ng showbiz at sanay na ang karamihan sa mga kababalaghan at milagrong nagyayari sa apat na sulok nito.
Maliban na lang siguro kung maaaktuhan talaga ang isang actor na may subong ‘buhay na talong’ habang nakaluhod ng walang belo. Of course, ibang usapan na iyan kapag ganito ang sitwasyon.
Amy Perez, balik-ABS CBN
MAY bagong TV show agad si Amy Perez sa ABS CBN. Halos hindi pa nagtatagal mula nang umalis siya sa TV5, heto at may kapalit na show agad. Iba talaga kapag magaling o talented kang tulad ni Amy, hindi mahirap humanap ng bagong trabaho.
Ang bagong TV show ni Amy sa Dos ay ang The Singing Bee at makakasama rito ng beteranang TV host si Roderick Paulate na isa ring astig hindi lang bilang actor kundi bilang isang TV host din.
Si Cesar Montano ang dating host ng The Singing Bee.
Anyway, matatandaang click na click dati ang team-up nina Roderick at Amy sa MTB o Magandang Tanghali Bayan ng Dos sa kanilang segment na Pera o Bayong. Kaya sure ako na magiging patok din sa masa ang pagbabalik ng partnership ng dalawang batikang TV host.
Samantala, itinanggi naman ni Amy na sa pag-alis niya sa TV5 at pag-iwan sa dating morning show niya ritong Good Morning Club ay mapapanood naman siya sa Umagang Kay Ganda ng Kapamilya Network.
Nonie V. Nicasio