Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Greta, dapat nga bang kainggitan?

NAGTARAY si Gretchen Barretto sa kanyang mga online basher.

“Your unkind words will only hurt me for two hours, and then I go back to being blessed and lucky. While you remain a miserable, envious, unloved troll.”

That was La Greta’s message sa kanyang bashers.

We feel na mayroong halong kayabangan ang mensahe ni La Greta. Parang ipinagmamalaki pa niyang blessed and lucky siya.

Bakit, saan ba nanggaling ang pagiging blessed and lucky mo? Actually, if you’re not living in with a Cojuangco ay magkakaroon ka ba ng mamahaling bag at sapatos, makakakain ka ba sa sosyal na restaurants at makabibili ka ba ng mamahaling alahas?

While it’s true na kainggit-inggit nga ang iyong katayuan now, marami naman siguro ang hindi rin naiingit sa ‘yo dahil maraming intriga ang iyong buhay. Siyempre, mas kainggit-inggit ang buhay na matahimik at walang eskandalo.

Kung makapagsalita itong si Gretchen ang akala mo, eh, kay taas-taas ng narating. Magtigil ka nga, ‘no!

Manalamin ka, ‘te!

Damit ni Megan, look-alike ng gown ni Julie Anne

NAKATATAWA talaga ang nakita naming na magkapareho ng damit sina Julie Anne San Jose at Megan Young.

Noong nag-guest kasi si Megan sa SAS ng GMA ay kaparehong-kapareho ang suot niyang gown sa blue gown na isinuot ni Julie Anne sa concert niya sa Music Museum months ago.

Parang nakahihiya tuloy sa ating Miss World na makunan ng photo wearing the same gown worn by a singer months ago.

Ano ba itong designer na ito tinamad na gumawa ng bagong design? Bakit nangyayari ang look-alike gowns?

Napapansin namin na lately, ang daming designers ang tila nanggagaya lang sa kapwa nila designers. ‘Yung iba naman, ginagawan ng lang ng embellishments para masabing hindi gayang-gaya.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …