NAHUHULOG daw, daw ha, ‘di kasi kami sure sa narinig namin ang loob ni Enrique Gil kay Liza Soberano at nagsimula ito sa shooting ng She’s The One, another gift to their followers and fans ng Star Cinema films as part of their 20th anniversary sa daigdig ng entertainment.
Sino kaya ang hindi mahuhulog sa napakagandang babaeng ito na first time lang namin nakita, new face kumbaga sa baguhan. Usually kapag baguhan, tinatawag na starlet. Pero tipong star ang ganda ni Liza at ayon kay Direk Mae Cruz, may talent in acting at who knows maaga siyang maging “star” ‘yun na.
Something daw kay Enrique na may hula na as the next “Ultimate Leading Man” dahil nag-start sa mga TV show, drama action na pahusay nang pahusay ang kanyang galing sa pagganap. Kung sakali na totoo ang balitang nahulog ang puso niya kay Liza, match ang kanilang ganda at kisig at talent sa acting. Para kay Enrique She’s The One na si Liza! May ganoon!
5th Star Awards for Music, engrande ang selebrasyon
NAPAKAGRANDENG awards night ang naganap sa katatapos na 5th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Paranaque City. Very successful at well attended ng karamihan sa nominees ng iba’t ibang categories. Pawang big stars ang hosts and performers. Ang hosts ay sina Xian Lim, KC Concepcion, Billy Crawford and Erich Gonzales.
Sa opening ng show kumanta sina Gloc9, Jed Madela, Richard Poon, Young JV and Kean Cipriano. Bingyan ng tribute ang ilang haligi ng musika tulad nina Jose Mari Chan, Freddie Aguilar, Dulce, Imelda Papin (represented by Aileen Papin), ng apat na The Voice of the Philippines sina Myk, Janice, Klarisse, at Mitoy.
Binigyang halaga rin ang mga icon nina Erik Santos, Sam Concepcion, Rhada, Angeline Quinto, at Vina Morales. May musical number si Sarah Geronimo.
Salamat din sa magagaling na male and female dancers, sa live band sa pamumuno ni Ric Mercado. Basta grabe sa rami ng mga nanood at punompuno ang Grand Ballroom. Produced ito ng Airtime Marketing Phil. Inc. nina Jun Howard at Tess Celestino-Howard. Idinirehe naman ni Al Quin, head writer si Senedy Que, casting director, si Mae Esguerra, floor director sina Arnel Natividad, Arlene Tolibas, Butch Digue, Jaime Santos, at Dino Pastrana. Ang ganda ng stage na design ni Rico Ancheta. Kulang ang espasyo ko para sa mga unsung heroes na matatawag ng Airtime Marketing. Ang sisipag at ang bibilis kumilos. Magagaling ang 10 cameramen.
Alam ba ninyo na since birth ng PMPC Star Awards na almost 30 years na yata, Airtime na ng mga Howard ang producer ng Star for TV and Star for Movies at bale five years pa lang ang Star for Music. Pero ang mga naunang taon ng Star Awards ay si Jun Rufino ang producer with Direk Al ang director. Kumbaga si Direk Al ay sa Star Awards na nag-matured. Ang mga naunang pangulo ng PMPC (Philippine Movie Press Club) ay sina Danny Villanueva (SLN), Ethel Ramos, Ronald Constantino, Boy C. De Guia, Billy Balbastro (SLN), Ernie Pecho, yours truly po, Tony Martel (SLN), Ricky Calderon, Vero Samio, Andy Salao (SLN), Nene Riego, Julie Bonifacio, Nora Calderon, Romel Gonzales, Fernan De Guzman, Roldan Castro, Melba Llanera, Joe Barrameda at current Pangulo si Ms. F (Fernan de Guzman).
Letty G. Celi