Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang gaganap na Honesto, nagmula pa ng Zambales

GALING Zambales pala ang bagong tuklas ng Dreamscape Entertainment na gaganap bilang si Honesto na apat na taong gulang na mapapanood na sa Nobyembre 18.

Base sa kuwento ni business unit head, Deo T. Endrinal, “talagang lumuwas sila (pamilya ni Honesto) para mag-audition for the project at siya talaga ang napili ng lahat kasi magaling ‘yung bata at saka nakita namin ang mata, may koneksiyon sa tao.

“At saka gusto ni Rondell (Lindayag-Creative Head), dapat ang gaganap na ‘Honesto’, hindi pa napapanood o nakikita, kaya nagpa-audition talaga kami and out of 200 kids, ‘yung gaganap ng Honesto ang napili.”

At dahil tubong Zambales ang bagets kaya pinayuhan ng Dreamscape Entertainment head na rito na lang sila sa Maynila manirahan at dito na rin mag-aral ang bagets na may assign teacher sa kanya na pupunta sa tapings para turuan si Honesto.

Akala namin ay pagkatapos ng Juan de la Cruz ni Coco Martin sa Oktubre 28 ay isusunod na si Honesto dahil ito ang sinabi sa amin ni Melissa Ricks ng makasalubong namin sa Eastwood City Mall kamakailan.

“Ay hindi ko kakayanin, sinabi ko sa management, hindi ko kayang umere kaagad, give us time, sabi ko November 18 ko pa kaya, ayoko namang madaliin baka hindi naman maging maganda,” kuwento ni DTE sa amin sa announcement ng bagong serye nina Richard Gomez at Dawn Zulueta kahapon.

Kaya pagkatapos daw ng JDC sa Oktubre 28 ay dalawang linggo pa ang hihintayin bago mapanood si Honesto.

Sa madaling salita, pagkatapos ng TV Patrol ay ang Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ang mapapanood, ateng Maricris?

At ‘pag ready na si Honesto ay ito na lang ang isusunod sa GTB?  Kasi imposibleng mag-give way ang Got To Believe para ibigay ang timeslot kay Honesto?

‘Yan ang aabangan natin ateng Maricris.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …