PORMAL nang nagpaalam si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ginawaran ng Pangulong Aquino si Thomas ng Order of Sikatuna matapos ang isinagawang farewell ceremony sa Malacañang.
Si Ambassador Thomas ay papalitan ni US Ambassador-designate to Manila Philip Goldberg.
Opisyal nang natapos ang tour of duty ni Thomas sa Filipinas matapos hindi palawigin ni US Pres. Barack Obama.
Kompyansa naman ang Malacañang na magpapatuloy ang magandang relasyon ng Filipinas at Amerika kahit sino pa ang uupong kinatawan nila sa bansa.
Si Goldberg ay isang beteranong career member ng Department of State na kasalukuyang assistant Secretary for Intelligence and Research ng State Department.
Hawak ni Goldberg ang nasabing posisyon mula pa noong taon 2010.
Isa siyang career member ng Senior Foreign Service at Class of Career-Minister, na nagsilbi na ring ambassador ng Amerika sa Bolivia mula taon 2006 hanggang 2008. (ROSE NOVENARIO)