KULONG ang isang jeepney driver habang nakatakas ang kanyang kasamahan matapos hablutin ang bag ng isang dalaga na nag-aabang ng sasakyan sa Navotas City kahapon umaga.
Kinilala ang suspek na si Leonardo Almacen, 29-anyos ng 100 Interior St., Brgy. Bagong Bayan South (NBBS) sa nasa-bing lungsod na nahaharap sa kasong robbery-snatching habang pinag-hahanap ang kasama ni-yang alyas Nonoy na mabilis na tumakas ta-ngay ang laman ng bag.
Sa ulat ni SPO1 Noli Dait, may hawak ng kaso, dakong 7:25 ng umaga nag-aabang ng masasak-yan ang biktimang si Anna Marie Quesmundo, 26-anyos, sa kanto ng C-4 Road, North Bay Boulevard North (NBBN) ng lungsod.
Sa salaysay ng biktima, ilang minuto pa lamang siyang nakatayo sa tapat ng convenient store sa nasabing lugar nang hablutin ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone at P8,000 cash. Humingi siya ng tulong sa kalapit na police station at sa isinagawang follow-up ope-ration ay nasakote ang suspek habang pinaghahanap ang kasama ni-yang may tangay sa bag ng biktima.
Samantala, sa isang hiwalay na insidente, iniimbestigahan ng mga tauhan ng Las Piñas Police ang nadiskubreng bangkay ng driver na may tama ng bala sa ulo sa loob ng minamanehong taxi kahapon ng mada-ling araw.
Naliligo sa sariling dugo ang biktimang si Daniel Atis, ng 3769 Padilla St., Lower Bicutan, nakasubsob sa manibela ng minamanehong LBR taxi (UYA-214) dakong 12:45am, sa C-5 Extension, Barangay Pulang Lupa Uno.
Ani Romulo Velarde, barangay tanod, kay SPO3 Crisando Calatay ng Station Investigation and Detective Management Section, nakita ni-yang nakaparada ang taxi at napuna niyang nakasubsob ang driver na ina-kala niyang natutulog.
Ayon kay Sr/Supt. Adolfo Samala, hepe ng Las Piñas police, posib-leng hindi holdap ang motibo sa pagpaslang dahil hindi kinuha ang P2,100 sa bulsa ng bik-tima. Ang labi ng biktima ay inilagak sa Royalty Funeral Homes para sa awtopsiya.(ROMMEL SALES/JAJA GARCIA)