Monday , December 23 2024

FOI bill prayoridad ng Senado ( Sabi ni Drilon )

TINIYAK ni Senate President Franklin Drilon na isa sa kanilang mga prayoridad ngayong linggo sa muling pagbabalik ng sesyon ang talakayin at pagdebatehan ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Ayon kay Drilon, malaking tulong para sa pamahalaan ang naturang panukala para sa patuloy na pagsugpo ng katiwalian sa loob ng ating pamahalaan.

Naniniwala si Drilon na magsisilbing makinarya din ang naturang panukalang batas upang madaliang mabuksan o makita ng publiko ang lahat ng mga transakyong pinapasok ng pamahalaan.

Maging si Senadora Grace Poe na siyang magdedepensa sa naturang panaukala ay tiniyak na handang-handa na siyang idepensa ito sa kanyang kapwa mga senador gayundin sa nakatakdang paghaharap ng mga senador at kongresista sa gagawing bicameral conference meeting.

Sa naturang pagdinig ay ipinatawag ni Poe ang lahat ng mga kinatawan ng pamahalaan at iba’t ibang mga samahan o organisasyon na mayroong kaugnayan sa naturang panukala.

Umaasa naman sina Poe at Drilon na magiging madali ang pagtalakay at pagdebate ng FOI bil ngayong linggong ito.

Magugunitang sa nakalipas na 15th congress ay pasado na ito sa Senado ngunit dahil kinapos na ng panahon kaya’t hindi na naidaan sa bicameral conference meeting. (NINO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *