Nagsagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation o NBI kaugnay ng paglutang ng Maam Arlene issue sa hudikatura.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nagkausap sila kahapon ng umaga ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno at mismong humiling na magsagawa ang NBI ng imbestigasyon sa isyu.
Ito ay kahit aniya gumugulong na ang pagsisiyasat ni Court Administrator Jose Midas Marquez.
Bagamat hindi pa malinaw kung independienteng imbestigasyon ang kanilang gagawin, sinabi ni De Lima na posibleng parallel probe ang isasagawa.
Kabilang din umano sa kanilang titingnan ang impormas-yon na may impluwensya rin umano ang nasabing Ma’am Arlene sa DoJ dahil may kaibigang prosecutors.
Kasama rin sa iimbestiga-han ang katatapos pa lamang na eleksyon ng Philippine Judges Association dahil sinasabing nagkaroon din ng papel si Ma’am Arlene sa pamomolitika sa botohan. (Leonard basilio)