Monday , December 23 2024

‘Board exam’ sa Journalists isinulong ng 2 solon

101513_FRONT

DALAWANG kongresista ang naghain ng panukala na naglalayong isailalim ang sino mang nais magtrabaho sa media na pumasa sa pagsusulit bago bigyan ng akreditasyon bilang miyembro ng press.

Sa ilalim ng House Bill 2550, o “Magna Carta for Journalists” na ini-akda nina Reps. Rufus at Maximo Rodriguez, ang mga journalist ay ikaklasipika bilang “accredited” at “non-accredited.”

Bubuuin ayon sa panukala, ang Professional Journalist Examination at Philippine Council for Journalists, na hahawak sa eksaminasyon para sa radio, television, print at photography.

Gayonman, sa kabila ng presensensya ng eksaminasyon, sinabi ng mga may akda ng panukala, ang “non-accredited” media, o ang mga hindi pumasa sa eksaminasyon ay maaari pa rin magtrabaho sa news organizations.

“They will still be allowed to exercise their duties and rights as journalists and enjoy only those benefits and privileges accorded to them by their employers,” pahayag ni Rep. Rufus Rodriguez.

Sa Senado, may ganito rin panukala na inihain si Senador Jinggoy Estrada na inulan ng batikos ng media rights groups.

Ang panukala ni Estrada ay itinuring ng National Union of Journalists of the Philippines bilang “unnecessary.” Habang sinabi naman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas na ang panukala ay “unconstitutional.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *