Monday , December 23 2024

14 katao arestado sa Jueteng sa Munti

MATAPOS mabunyag sa pahayagang HATAW ang operasyon ng jueteng sa premier city ng Muntinlupa, agad nagsagawa ng operasyon ang isang unit ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasabing lungsod na ikinaaresto ng 14 katao.

Isinailalim sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Supt. Alenzano ang 14 katao at ilan sa kanila ay umamin na kobrador at kabo sila sa jueteng ope-rations ng isang alyas Josie Borja.

Nabisto ang operas-yon ng jueteng sa lungsod na pinamumunuan ngayon ni Mayor Jaime Fresnedi nang ilabas sa kolum na Bulabugin ng pahayagang ito ang pamamayagpag ng isang alyas Salbador na nagpapakilalang bagman ng City Hall.

Bukod sa isang Josie Borja, sinabi rin ng mga residente sa Muntinlupa na mayroon din operasyon ang isang alyas Boy Arujado, Samboy, Emily, Tisay at Lando.

Kamakailan lang ay muling ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Alan Purisima na pursigido siyang ipatupad ang ‘one-strike policy’ sa laban sa lahat ng illegal gambling operations.

Gayonman, naniniwala ang Muntinlupa residents na bigo si Purisima maging si NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo na ipatupad ang kanilang ‘one-strike policy’ dahil namamayagpag ang jueteng sa kanilang lungsod.

Ang Muntinlupa ay kinikilala ngayon posh and cosmopolitan city sa Metro Manila.

Napatunayan din ng mga residente na totoo ang impormasyon na nakararating sa kanila na mayroong jueteng operations sa lungsod matapos maaresto ang 14 tauhan ni alyas Borja.           (JSY)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *