Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tellmamailbelate, susubaybayan

May susubaybayan na naman tayo na bagong mananakbo mga klasmeyts at iyan ay walang iba kundi ang kabayo na si Tellmamailbelate na nagwagi sa kanyang maiden race nung isang araw sa pista Metro Turf . Sa largahan pa lang parang sinibat na siya at lumayo agad ng may limang kabayong agwat kahit pa nakapirmis lamang ng husto ang kanyang sakay na si Deo Garcia Fernandez. At pagsungaw sa rektahan ay lalo pang lumayo at iniwan ng tuluyan ang kanyang mga nakalaban na marami pang ibubuga. Naorasan ang nasabing kabayo ng 0:57.4 (12.5-20.4-24.5) para sa distansiyang 1,000 meters. Sa tinapos niyang iyan ay maituturing siya na isa sa mga contender sa grupo ng Juvenile, kaya congrats kay Ginoong Jun Molina. Narito ang ating giya para sa gabing ito na lalargahan sa SLLP. Race-1 : (6) Ever Hope, (2) Dark Beauty. Race-2 : (1) Sleepy Jean, (2) Peace Needed. Race-3 : (2) Brazilian Babe, (1) Pot Pot’s Love. Race-4 : (1) Sun Tan Tony, (5) Magatto. Race-5 : (1) La Furia Roja, (3) Botbo. Race-6 : (2) Sangandaan, (1) Invincible. Race-7 : (2) Manila’s Gem, (6) Reward For Effort. Race-8 : (6) Lucky Touch, (2) Endorser, (3) Best Choice.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …