Thursday , November 14 2024

San Beda vs Arellano

Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan)

4 pm – EAC vs. Mapua

6 pm – San Beda vs. Arellano

PIPILITIN ng Emilio Aguinaldo College at Arellano University na mapanatiling buhay ang pag-asang makarating sa F inal Four ng 89th National Collegiate Athletic Association NCAA) men’s basketball tournament sa pamamagitan ng pagkuha ng panalo kontra magkahiwalay na kalaban mamaya sa The Arena sa San Juan.

Mas maikli namang ruta ang tatahakin ng EAC General at mas magaan ang kanilang kalaban na Mapua Tech Cardinals sa ganap na 4 pm. Mahaba ang landas at  mabigat ang katunggali ng AU Chiefs na San Beda Red Lions sa 6 pm main game.

Ang EAC ay may kartang 8-8 at nasa ikalimang puwesto. Hinahabol nila ang pang-apat na San Sebastian Stags na may 8-7 karta matapos na matalo sa Letran Knights, 75-68 noong Sabado.

Sa kanilang unang pagkikita noong Agosto 29 ay dinaig ng Generals ang Cardinals, 8980.

Subalit hindi puwedeng magkumpiyansa ang tropa ni coach Gerald Esplana lalo’t wala ng pressure ang Cardinals ni coach  Atoy Co. Sa katunayan, ang Mapua ay galing sa sorpresang  81-76 panalo kontra sa Red Lions noong Lunes.

Ang Generals ay pnamumunuan ni Cedric Hapi Noube na sinusuportahan nina Jan Jamon, Jolas Paguia at Igee King.

Ang Cardinals, na may 2-14 record, ay sumasandig kina Kenneth Ighalo, Mark Brana at Joseph Eriobu.

Sigurado namang magpipilit na makabawi ang Red Lions buhat sa kabiguang sinapit nila sa Cardinals at ibubunton nila ang kanilang galit sa Chiefs. Ang San Beda ay nanaig kontra Arellano, 67-54 noong Huly 4.

Ang Red Lions ni coach Boyet Fernandez ay may 13-3 karta at kung makakaulit sila sa Chiefs ay tatabla sila sa Letran Knights (13-3) sa unang puwesto. Kapwa may twice-to-beat advantage na ang Red Lions at Knights sa Final Four.

Ang Chiefs ni coach Koy Banal ay may 6-9 record at kailangan nilang mawalis ang nalalabing tatlong games. Bukod dito ay kailangang huwag lumampas sa siyam na panalo ang San Sebastian at EAC upang magkaroon ng three-way tie para sa huling ticket sa Final Four.

Main performers ng Arellano University sina James Forrester, John Pinto, at Prince Caperal.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *