Philracom Incentive race sa non-placer, hahataw upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na kumita lalo na ang maliliit na horse owners at mapalaganap ang papremyo ng Philippine Racing Commission (Philracom)sa isang pakarera nakatakdang ilunsad para sa mga hindi nagpapanalong mananakbong kabayo.
Biyayang maituturing para sa NON-Placer na mananakbo ang nakatakdang Philracom Incentive race para sa 2 at 3 year old na mananakbo na kailanman ay hindi pa nagpapanalo at natitimbang sa mga sinalihan karera.
Naglaan ng P1-milyon na papremyo ang komisyon para sa Philracom Incentive race.
Hahatiin sa dalawang division ang karera para sa 2 year old at 3 year old na paghahatiin sa P.5 milyon na papremyo.
May naghihintay na P300,000 sa mananalo at P50,000 ang breeders prize.
Ang nasabing pakarera ay nakatakdang maganap sa Oktubre 26 na sadyang ibinigay para sa mga maliliit na horse owner.
Pagpapatunay ito na hindi lamang ang mga bigating horse owner at magagaling na kabayo ang binibigyan ng pagkakataon para kumita at makabawi man lamang sa gastusin ang mga small time horseowner.
Ang pakarerang ito ay higit na magpapa-ingganyo sa mga nagnanais mamuhunan sa karera partikular sa mga maliliit
na horse owner. Nililingon din ng Philracom ang mga hindi nabigyan ng pagkakatao na lumaban sa mga malalaking pakarera sa pagtakbo ng Philracom Incentive race.
Ni andy yabot