Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buwenas si Sauler

PARANG itinadhana ngang talaga na makakakumpleto ng ‘Cinderella finish’ si Juno Sauler sa 76th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Noong Sabado ay naihatid ni Sauler sa kameonato ang dela Salle Green Archers sa pamamagitan ng 71-69 overtime na panalo kontra sa University of Santo Tomas Growling Tigers.

Actually, naunahan ng Growling  Tigers ang Green Archers nang mapanalunan nila ang Game One ng best-of-three championship series.

Pero hindi nawalan ng loob ang tropa ni Sauler. Kinuha nila ang Game Two upang mapuwersa ang winner-take-all Game Three.

Kung tutuusin, puwede sanang napanalunan ng UST ang Game Three dahil nasa Growling Tigers ang huling possession may anim na segundo pa ang nalalabi sa regularion play at tabla ang score, 63-all.

Tinanggap ni Aljon Mariano ang inbound pass buhat kay Jeric Teng subalit hindi nito ibinalik ang bola. Sa halip ay tumira ito ng  three-point shot at nagmintis

Napakamot ng ulo si UST coach Pido Jarencio dahil tila hindi iyon ang play na ikinrokis niya. Isa pa, sa kabuuan ng laro ay malas si Mariano at walang field goal na naipasok. So kung ikaw ang coach, natural na hindi mo ipagkakatiwala sa kanya ang game-winning play.

Sa overtime ay napabayaan ng Growling Tigers na bukas si Almond Vosotros para sa game winning shot buhat sa pasa ni Jeron Teng na siyang pinarangalan bilang Best Player ng Finals.

May pagkakataon pa sana ang UST na itabla ang score at mapuwersa ang ikalawang overtime pero hindi na ito nangyari dahil sumablay ang Growling Tigers.

Suwerte talaga si Sauler dahil sa hindi naman talaga siya ang hahawak sa La Salle, e. Itinalaga siya bilang kapalit ni Gelacio Abanilla III dalawang linggo bago nagsimula ang torneo.

Kaya nga sinasabi natin na itinadhana talaga na mapanalunan niya ang titulo.

Sino ba naman ang mag-aakalang magagawa niya ito sa maikling panahong ipinagkaloob sa kanya?

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …